Young female celeb mas bet ang Inglisero kesa dyowang tahimik

Hulmahan ng mga kuwentong-artista ang isang malaking istasyon.

The post Young female celeb mas bet ang Inglisero kesa dyowang tahimik appeared first on Abante News Online.

young female celeb mas bet ang inglisero kesa dyowang tahimik - Young female celeb mas bet ang Inglisero kesa dyowang tahimik
aktres - Young female celeb mas bet ang Inglisero kesa dyowang tahimik

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Young female celeb mas bet ang Inglisero kesa dyowang tahimikHulmahan ng mga kuwentong-artista ang isang malaking istasyon.

Ang dami-daming istoryang maririnig du’n, totoo man o hindi, parang piyesta palagi du’n dahil sa dami ng mga isyung napapanahon.

Isa sa mga pinagpipistahan du’n ay ang magkarelasyong bagets na balitang hiwalay na ngayon. Iba-ibang bersiyon ang maririnig na kuwento kung bakit sila nagkahiwalay.

Kuwento ng aming source, “Ang unang version, e, hindi raw kasi delicious na kausap ang guy, parang hindi ganu’n ang gustong palaging kasama ng girl, matalino raw kasi siya.

“E, ang young male personality, probinsiyano ang dating niya, napakasimple, pero hindi naman puro sabaw lang ang laman ng ulo niya! Matalino ‘yung guy, hindi lang siya masalita!

“Siguro, ang gustong maging boyfriend nu’ng girl, e, tulad niyang spokening dollars! English major ang gusto niyang kakuwentuhan, hindi ‘yung simple lang na katulad ng boyfriend niya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ikalawang kuwento. Naiipit daw sa mga nag-uumpugang bato ang dalaga. Maraming kontra sa boyfriend niya sa kanilang pamilya. Pagod na pagod na raw siya sa pagdedepensa sa young male perso-nality.

“‘Yun ang sinasabi ng mga tao sa network nila. Madalas daw pag-awayan nu’ng dalawa ang pakikialam ng mga kapamilya ng girl.

“Natural, stressed ang babae, masama naman ang loob ng guy, dahil bakit nga naman siya hinuhusgahan, samantalang ang ganda-ganda naman ng intensiyon niya sa girl?

Kasi naman, kung makapagsalita ang mga nakikialam na ‘yun, e, para silang bond paper na ang lilinis!” reaksiyon pa ng aming impormante.

At marami pang ibang bersiyon ng mga kuwento habang hindi pa umaamin ang mga bagets na magkarelasyon kung totoo bang tapos na ang lahat sa kanila ngayon.

Jodi nagmukhang masungit nang pumayat

Tama ang obserbasyon ng mga nakakausap namin na tumatapang ang ganda ni Jodi Sta. Maria dahil sa sobra niyang kapayatan ngayon. Malayung-malayo ang itsura niya ngayon sa dating Jodi na napapanood ng ating mga kababayan.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Hindi ba natatakot si Jodi na baka isang araw, e, mauwi sa kung ano ang sobrang kapayatan niya ngayon?

“Una, ang health niya, baka maging anorexic siya. Ikalawa, tumatapang ang itsura niya, parang palagi siyang nagagalit! Mas maganda sa kanya ang may konting laman.

“Totoong very vain sila sa itsura nila, ayaw nilang tumaba, pero  h­uwag naman sanang ganyan kapayat si Jodi!” nagmamalasakit na komento ng aming kausap.

Pero hindi maitatago na isa pa rin si Jodi sa nagmamay-ari ng pinakamagandang mukha sa industriya. Payat o anuman, ang maganda ay maganda pa rin sa kahit anong anggulo, hindi maikakaila ‘yun.

Tuloy ay may nagkokomento na kaya raw nangayayat nang husto ang aktres ay dahil hindi pa rin siya nakapagmu-move-on sa hiwalayan nila ni Vice-Governor Jolo Revilla.

Hindi nga naman maigsing panahon lang ang kanilang pinagsamahan, marami ngang umaasang sa altar na ‘yun hahantong, pero hindi nga garantiya ang ganu’n katagal na panahon para maging panghabambuhay na ang kanilang relasyon.

Mahirap din ang kalagayan ng mga pamosong artista. Kapag tumaba sila ay nagdadalantao raw, kapag pumayat naman ay maysakit, wala silang pupuntahan.

The post Young female celeb mas bet ang Inglisero kesa dyowang tahimik appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *