Young actress manggagamit

Pinagtatawanan lang ngayon ng kampo ng kanyang ex ang mga li-tanya ng isang young actress. May bago pa ba, komento ng mga ito, very consistent daw talaga ang maganda pa namang batang aktres sa kanyang mga kalokahan at kasinungalingan.

The post Young actress manggagamit appeared first on Abante News Online.

young actress manggagamit - Young actress manggagamit
teen - Young actress manggagamit

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Young actress manggagamitPinagtatawanan lang ngayon ng kampo ng kanyang ex ang mga li-tanya ng isang young actress. May bago pa ba, komento ng mga ito, very consistent daw talaga ang maganda pa namang batang aktres sa kanyang mga kalokahan at kasinungalingan.

Welcome to the club na lang daw sa kanyang bagong inaaryahan, ganu’n din kasi ang ginawa niya sa ex niyang young actor, na nakapag-move-on na ngayon.

Sabi ng isang close sa pamilya ng ex ng magandang young actress, “May bago pa ba? ‘Yun na talaga ang ine-expect ng family ng ex niya. One day, may iba na naman siyang ipapahiya.

“Nagkamali ba sila? Pagkatapos niyang sira-siraan ang ex niya, sino naman ngayon ang inuupakan niya? As expected, heto na naman siya ngayon, may mga hanging statements na naman, pa-victim na naman ang lola n’yo!” nakataas ang kilay na komento ng aming impormante.

Bukod sa pagi-ging pa-victim ay ilusyunada rin daw ang magandang young actress. Matagal na kasi niyang hinihintay ang pagkakataong makilala siya, ang magbida siya, nangyari ‘yun nu’ng walang pinakamabait na tao sa mundo kundi ang ka-partner niya sa serye.

Patuloy ng aming source, “O, di ba naman? Pagkatapos niyang makuha ang gusto niya, e, mukhang ewan na ngayon ‘yung male persona-lity para sa kanya?

“Kaya na kasi niyang makipagpareha sa iba ngayon, malaking-malaki na ang chance niya, hindi tulad nu’n na parang jinky ang career niya. Magaling makipaglaro ang babaeng ‘yun, napakabata niyang natuto, makasarili ang girl!” madiin pang paglalarawan ng aming impormante sa magandang dalagang aktres.

Hindi nakagaganda sa imahe ng young actress ang pagsasalita ng hindi maganda pagkatapos niyang maki-pagrelasyon, sabi ng mga sumusubaybay sa kanya, nagmumukha tuloy siyang tagasuporta ng litanyang use me in a sentence.

“In short, user siya!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Aktor malayo sa totoong buhay ang asal

Isang napakagandang pagkakaibigan ang itinapon lang sa basurahan nang basta-basta ni Phillip Salvador. Ang mga taong sumagip sa atin sa matinding pangangaila-ngan, ang mga taong nagtiwala sa atin nang walang anumang kapalit, ay sobrang dapat lang na pinahahalagahan.

Alam ni Phillip kung ano ang kahalagahan sa kanyang buhay ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan. Nu’ng mga oras na parang tinalikuran na siya ng mundo dahil sa kawalan ng trabaho, nu’ng hindi na niya alam kung saan siya kukuha ng panglaman sa bituka ng kanyang mga mahal sa buhay, ay nu’n niya nakilala ang businessman.

Literal na naging tungkod niya sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay si Mayor Enrico, matindi pa sa sikat ng araw sa tanghaling-tapat kung paano siya pinagmalasakitan at pinahalagahan ng kanyang kaibigan, pero ano ang ipinalit niya pagkatapos?

Nasukat ni Mayor Enrico ang kanyang katapatan, inakyatan niya ang entablado ng kalaban nu’ng tao dahil daw kay SAP Bong Go, ewan kung nasa talampakan ang prinsipyo ni Phillip Salvador.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “‘Yan ang mahirap sa mga taong walang since-rity. Magaling lang kapag may kailangan, pero kapag nagkaroon na uli, itinatapon na ang malalim na pagkakaibigan.

“Masarap lang panoorin si Phillip Salvador sa mga ginawa niyang pelikula. Sayang lang, makabuluhan pa naman ang mga roles na ginampanan niya, prinsipyado, pero hindi naman pala siya ganu’n sa totoong buhay,” komento ni prop.

Hindi kayang bayaran nang kahit magkano ang utang na loob. Magpapaalam tayo sa mundo na bitbit pa rin ang pagtanaw ng pagpapahalaga sa taong nagpala sa atin. Hindi ‘yun nababayaran ng kahit anong denominasyon, pero mukhang absent si Phillip Salvador nang ituro ‘yun sa eskuwelahan, maging ng kanyang mga magulang.

The post Young actress manggagamit appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *