Young actor subsob sa trabaho para makalimot sa ex-GF

MAGANDA ang disiplina ng isang kilalang young male personality. Palibhasa’y pinaghihirapan niya ang kanyang trabaho ay hindi siya kinakikitaan ng hindi magandang ugali ng kanyang mga katrabaho.

young actor subsob sa trabaho para makalimot sa ex gf - Young actor subsob sa trabaho para makalimot sa ex-GF
male 3 - Young actor subsob sa trabaho para makalimot sa ex-GF

Cristy Fermin No Thanks 2 336x224 - Young actor subsob sa trabaho para makalimot sa ex-GFMAGANDA ang disiplina ng isang kilalang young male personality. Palibhasa’y pinaghihirapan niya ang kanyang trabaho ay hindi siya kinakikitaan ng hindi magandang ugali ng kanyang mga katrabaho.

Mahal siya ng kanyang mga kapwa artista, ng buong produksiyon, hindi siya nagiging problema ng seryeng regular niyang nilalabasan.

Kuwento ng isang source, “Ganu’n ang mga artistang nagtatagal, ganu’n ang mga personalidad na tumanda man, e, nandito pa rin, dahil mahal niya ang trabaho niya.

“Imagine, kung sa ibang personality lang nangyari ang pinagdaanan niya, e, siguradong maaapektuhan na ang work niya! Ikaw ba naman ang mawalan ng girlfriend, napakasakit nu’n!

“Pero may sariling healing process ang bagets, inaabala niya ang sarili niya sa katatrabaho, wala siyang sinasayang na panahon,” papuri ng impormante sa young actor.

Bukod sa kilala na ang young male personality ay marami pa siyang pinahahanga sa natural niyang husay sa pag-arte. Napaiiyak niya ang mundo sa mga seryeng may mahalaga siyang papel na ginagampanan.

Patuloy ng aming source, “Saka marespeto siya. Alam na alam ni ____ (pangalan ng magaling na young actor) ang pinasok niyang mundo. Mapagbigay siya ng respeto sa lahat ng mga artista, lalo na sa mga veterans.

“Magtatagal ang batang ‘yun, huwag lang sanang magbabago ang disiplina niya at pagmamahal sa trabaho niya. Matutupad ang mga pangarap niya, sasamahan siya ng publiko para maabot lahat ‘yun, dahil sa galing niya at pagiging marespeto,” positibong pagtatapos ng aming impormante.

Kagandahan ni Angel kita hanggang sa busilak na kalooban

IBANG klaseng kumilos si Angel Locsin. Sa maraming pagkakataon ay nakikita na lang siya ng ating mga kababayan na nagbibigay ng tulong sa mga lugar na inaatake ng kalamidad.

Walang ingay ‘yun, wala rin siyang kasamang cameraman, bukas ang kanyang bulsa at mga palad sa pag-ayuda sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

Nu’ng isang araw lang ay may mga nakakita sa aktres na namimili ng mga pangunahing produktong kailangang-kailangan ng mga sinalanta ng lindol sa Mindanao.

Mga personal na kaibigan ang kanyang kasama, kumuha sila ng isang lugar kung saan nila aayusin ang mga ipamamahagi nilang tulong sa mga nilindol nating kababayan, ginagawa niya ‘yun nang walang ingay dahil nandu’n ang sinseridad sa pagtulong.

Kaya naman mabiyaya rin ang buhay at career ng isa sa pinakamagandang mukha sa lokal na aliwan, maganda rin ang takbo ng kanyang personal na buhay, hawak niya ang mga biyayang ibinabalik sa kanya ng kapalaran sa pagkakaroon niya ng magandang kalooban.

‘Yun ang pagkakaiba ni Angel Locsin sa mga kasabayan niyang mga artista. Tahimik siyang tumutulong, hindi niya ipinaaalam sa kanan niyang kamay ang ginagawa ng kaliwa, du’n nag-uugat ang tunay na indulhensiya sa pagtulong.

Sabi nga ng mga kaibigan naming sumasaludo sa kagitingan ng mga ginagawa ni Angel, “Kung gaano siya kaganda, ganu’n din kaganda ang kalooban niya.”

Mismo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *