Young actor nagpapakatatag sa kabila ng unos

Saganang-sagana ngayon sa mga papuri ang isang kilalang young actor. Maraming sumasaludo sa kanyang disiplina.

The post Young actor nagpapakatatag sa kabila ng unos appeared first on Abante News Online.

young actor nagpapakatatag sa kabila ng unos - Young actor nagpapakatatag sa kabila ng unos
ABANTE hunk actor - Young actor nagpapakatatag sa kabila ng unos

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Young actor nagpapakatatag sa kabila ng unosSaganang-sagana ngayon sa mga papuri ang isang kilalang young actor. Maraming sumasaludo sa kanyang disiplina.

Ang tunay na ugali raw ng isang tao ay lumulutang sa gitna nang matinding paghamon, sa pagsalang sa problema, lalo na ng puso.

Pero kayang-kaya niyang dalhin ang napakasakit na suntok ng kapalaran sa kanyang puso. Totoong nasasaktan siya, pero hindi siya nagpapatalo sa kanyang emosyon, sa harapan lang ng mga camera ng pelikula at telebisyon makikita ‘yun sa magaling na young actor.

Kuwento ng isang source na nakakakilala sa pinagmulan ng young actor, “Totoong hindi sila mayaman, napakasimple lang ng buhay nilang mag-anak, pero sagana sila sa disiplina at pagmamahal.

“Lumaki ang batang ‘yun sa pagsubaybay ng mga magulang niya. May mga kamag-anak din sila na nagmamahal sa kanya dahil mabait talaga ang bata.
“At kapag sagana sa pagmamahal at suporta ang isang tao, e, secure na secure siya, kakayanin niya ang lahat ng mga paghamon,” kuwento ng aming source.

Napakamanhid naman ng young actor kung hindi siya nasaktan at nasasaktan pa rin hanggang ngayon sa naganap sa lovelife niya, kalokohan ‘yun, pero nasa tamang lugar ang utak at puso ng binata.

Patuloy ng aming source, “Siya ang pinaka-safe sa nangyayaring controversy ngayon, sa kanya ang simpatya ng mga netizens, siya naman kasi ang malinaw na kinawawa sa kuwento.

“Kung pinapa­liguan ng mura ang male personality na bumibida rin sa pinagpi­pistahang issue ngayon, siya naman, e, pinagpapayuhan ng mga netizens na magpakatatag dahil walang nawala sa kanya.

“Masakit kung sa masakit ang nangyari sa kanya, pero mas maganda na rin ‘yan, habang maaga pa, e, nalaman na niya na wala palang forever!

“Hindi siya ang nawalan, napakabata pa niya, marami pa siyang makikilalang mamahalin niya at magmamahal din nang totoo sa kanya,” pagtatapos ng aming source.
Mismo!

GRETA KEBER SA KADUGO

Hindi lang ni-like ni Gretchen­ Barretto ang emosyonal na post ni Bea Alonzo, pina­dalhan pa niya ng bulaklak ang dalaga, lantad na lantad ang lahat ng mga baraha ni Gretchen sa mesa.

Hindi niya idiniin sa isyu ang kanyang pamangking si Julia Barretto, pero kailangan pa ba namang i-memorize ‘yun, kitang-kita na ang resibo sa pakikisimpatya niya kay Bea.

Maraming tumutuligsa ngayon kay Gretchen sa social media, dugo raw niya si Julia, pero bakit mas kampi pa siya kay Bea?

Bakit daw kailangan pa niyang i-like ang post ni Bea at padalhan ito ng flowers, hindi raw ba alam ni Gretchen na napakasakit nu’n para sa kanyang pamangkin?

Kailangang tanggapin ng mga bashers ng aktres na ‘yun siya. Ke kadugo pa niya ang sangkot sa usapin o hindi ay meron siyang sariling paninindigan at ipag­lalaban niya ‘yun.

Sa pinagpi­pistahang kuwento ng panliligaw (o pagi­ging sila na) ni Gerald kay Julia habang karelasyon pa nito si Bea ay nasa dalaga ang pakikisimpat­ya ni Gretchen.

Opinyon niya ‘yun. May karapatan siyang maglabas ng kanyang saloobin. Winasak man niya ang kasabihang blood is thicker than water ay siya lang ang mananagot du’n.

The post Young actor nagpapakatatag sa kabila ng unos appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *