Yorme nag- sorry sa palpak na distribusyon ng allowance

Nag-sorry si Manila Mayor Isko Moreno sa mga magulang ng mga estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) dahil sa palpak na distribusyon ng P1,000 monthly allowance ng mga mag-aaral nito kamakailan.

The post Yorme nag- sorry sa palpak na distribusyon ng allowance first appeared on Abante.

yorme nag sorry sa palpak na distribusyon ng allowance - Yorme nag- sorry sa palpak na distribusyon ng allowance
abante isko moreno - Yorme nag- sorry sa palpak na distribusyon ng allowance

Nag-sorry si Manila Mayor Isko Moreno sa mga magulang ng mga estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) dahil sa palpak na distribusyon ng P1,000 monthly allowance ng mga mag-aaral nito kamakailan.

Kasabay nito ay pinasalamatan naman ni Moreno si Universidad de Manila (UDM) president Malou Tiquia dahil sa maayos na pamimigay ng pareho ding halaga ng allowance sa mga estudyante naman ng UDM.

Nalaman na ang distribusyon ng financial assistance ng pamahalaang lungsod sa mga mag-aaral ng PLM noong December 16 ay namarkahan ng kapalpakan at kawalan ng sistema kung saan dumagsa ang mga magulang at estudyanteng nagrereklamo dahil hindi gumagana ang online system ng nasabing pamantasan kaya napilitan silang magpunta ng personal.

“Sa mga nagtampo na PLM students na hirap na hirap, nauunawaan ko kayo. Ipagpaumanhin ninyo.. kung anumang miscommunication.. para wala nang turuan, I take full responsibility.. sa mga naghintay ng pitong oras, pero ‘yan ay di naman nangyari sa UDM at sa iba’t-ibang lugar,” dagdag pa ni Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Yorme nag- sorry sa palpak na distribusyon ng allowance first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *