Yorme Isko pambenta sa MMFF movie ni Coco

Trailer pa lang, feeling mo, nanonood ka ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa movie entry ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival, ang “3Pol Trobol Huli Ka Balbon”, kasama si Jennylyn Mercado at prodyus ng CCM Film Productions.

yorme isko pambenta sa mmff movie ni coco - Yorme Isko pambenta sa MMFF movie ni Coco
coco x jennylyn - Yorme Isko pambenta sa MMFF movie ni Coco

Dondon Sermino Paistaran 27 336x224 - Yorme Isko pambenta sa MMFF movie ni CocoTrailer pa lang, feeling mo, nanonood ka ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa movie entry ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival, ang “3Pol Trobol Huli Ka Balbon”, kasama si Jennylyn Mercado at prodyus ng CCM Film Productions.

Kasi nga, may eksena agad-agad sina Rowell Santiago (na gumaganap din na presidente sa “Ang Probinsyano”) at si Coco ang kasama niya na dapat ay magliligtas sa kanya.

At may eksena rin na nagbihis-babae siya, na ginawa niya sa “Ang Probinsyano” bilang si Paloma. Pero level up siya rito sa “3Pol Trobol Huli Ka Balbon”, dahil maraming beses siyang nagpa-girl, at iba’t ibang klase ng wig ang ginamit niya, na parang hiniram niya kay Vice Ganda.

Anyway, maaksiyon at todo bakbakan nga ang movie na ito ni Coco. Pero, marami ring komedya, dahil kasama nga nila si Ai Ai delas Alas na gumaganap na nanay ni Coco, ha!

Star-studded din ang movie na ito, dahil maraming guest. Pero, ang pinaka-importanteng guest sa lahat ay si Yorme Isko Moreno.

Makikita nga sa trailer si Manila Mayor, at bongga ang reaksyon ng mga tao na dumalo sa announcement na ito ng MMFF, ha!

Siyanga pala, ang Parade of Stars ay gaganapin sa December 22, at dahil ang Taguig City ang may hawak ng MMFF ngayon, kaya sa paligid ng siyudad na ‘yon iikot ang parada.

Magsisimula sa Lakeshore C-6, kakanan sa M.L. Quezon Avenue, at kakaliwa sa MRT Ave. Kakanan sa Cuasay, at kakanan ulit sa C.P. Garcia (C-5) service road.

Kakaliwa rin sa Upper McKinley Road. Kakanan sa Lawton Avenue. Kakaliwa sa 32nd St., kakaliwa sa 7th Avenue, kakanan sa 26th St., kakaliwa sa 5th Avenue.

Kakanan sa Le Grand Avenue, at sa Chateau Road nga magtatapos.

Ang Gabi ng Parangal ay gaganapin pa rin sa December 27, sa New Frontier Theatre.

Anyway, bukod sa movie na ito nina Coco at Jen, pasok din nga sa 45th MMFF ang mga pelikulang “Miracle in Cell #7” nina Aga Muhlach, Bela Padilla at Xia Vigor, prodyus ng Viva Communications, Inc.; “Mission Unstapabol: The Don Identity” nina Vic Sotto, Maine Mendoza, prodyus ng APT Entertainment, Inc./M-ZET Production.

Join din ang “Sunod” ni Carmina Villarroel ng Ten17P. At pati na ang “The Mall, The Merrier” nina Vice Ganda, Anne Curtis, Tony Labrusca at Dimples Romana, prodyus ng ABS-CBN Film Productions, Inc. at Viva Films.

Rarampa rin ang “Mindanao” nina Judy Ann Santos, Allen Dizon na prodyus ng Center Stage Productions. Ganu’n din ang “Culion” ni Iza Calzado, prodyus ng iOptions Ventures Corp., at siyempre, ang movie na “Write About Love” nina Rocco Nacino, Miles Ocampo, Joem Bascon at Yeng Constantino, prodyus ng TBA Studios.

Well, sa line up ng mga pelikulang ito, parang ramdam mo na agad kung sino ang tatabo sa takilya, ‘di ba?

70K tinapay ipinamudmod sa World Pandesal Day

70,000 na pandesal nga ang ipinamudmod sa mga residente ng Quezon City last Oct. 16, na kung saan ay idinaos nga ang World Pandesal Day.

At siyempre, ginanap ito sa 80-year-old Kamuning Bakery, sa pangunguna ni Wilson Lee Flores.

Kuwento ni Wilson, 3am pa lang ay dagsa na ang mga tao sa paligid ng Kamuning Bakery. Kaya ang mga tauhan niya, lalo raw sinipagan ang pagbi-bake.

“World Pandesal Day is a civic and cultural project that hopes to honor the humble yet great Filipino bread pandesal, it is Kamuning Bakery Cafe’s thanksgiving for continuous public patronage since 1939 despite rise of many giant bread factories and modern bakery chains, also despite a destructive 2018 fire which heavily damaged it. KBC seeks to also highlight the problems of hunger and poverty,” sabi ni Wilson.

At kahit nga hindi pa nagagawa ang Kamuning Bakery, mula sa pagkakasunog nito noon, tuloy pa rin ang pagbibigay-malasakit nila sa mga nangangailangan.

Nakapag-donate na nga ang Kamuning Bakery Cafe ng public school buildings in rural areas sa Sta. Rosa Elementary School in historic seaside Balangiga town in Eastern Samar province, the Villa Bacolor Elementary School in Tarlac City of Tarlac province and others.

Siyanga pala, dumalo sa World Pandesal Day si Mother Lily Monteverde.

Para sa mga detalye, mag-text o mag-Viber lang sa 0917-848-1828 or 0918-807-7777.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *