Yorme Isko, Jessica nag-dance showdown sa Quiapo

Ngayong gabi (July 14) sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS), makakasama ni Jessica si newly-elected Manila Mayor Isko Moreno.

The post Yorme Isko, Jessica nag-dance showdown sa Quiapo appeared first on Abante News Online.

yorme isko jessica nag dance showdown sa quiapo - Yorme Isko, Jessica nag-dance showdown sa Quiapo
ABANTE iskoD - Yorme Isko, Jessica nag-dance showdown sa Quiapo

Ngayong gabi (July 14) sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS), makakasama ni Jessica si newly-elected Manila Mayor Isko Moreno.

Ayaw sa lahat ni “Yorme” Isko na tino-“tolongges” siya. Mahigpit kasi ang bagong alkalde sa mga bago niyang polisiya, kabilang na ang paglilinis sa iba’t ibang panig ng Maynila.

Kasama si Jessica, umikot si Mayor Isko sa Quiapo para tingnan kung effective ba ang pinapatupad niyang pagbabago. Plus may bonus pa, dahil si Yorme, mag-aala-“That’s Entertainment” dance showdown kasama si Jessica at mga vendor!

Anong klaseng sayaw kaya ang ginawa nila na posibleng gayahin ng marami matapos mapanood?

Anyway, kung ang love life mo naman ay tila nangangalawang, dito sa “Samahan ng Mga Hiwalay sa Asawa Facebook Group,” baka mahanap mo na ang iyong “the one” Layunin daw ng mga members dito na makahanap sa isa’t isa nang mahihingahan ng sama ng loob at pati na rin second chance?

At para sa mga takot sa ipis, kabahan na raw dahil ang insekto, malapit na raw maging immune sa insecticides? Kilalanin din ang isang 17-year-old na dalaga na di umano’y kinulam dahil limampung piraso ng karayom ang natagpuan sa loob ng kanyang tiyan. Aalamin ng KMJS ang katotohanan sa likod nito. (Dondon Sermino)

The post Yorme Isko, Jessica nag-dance showdown sa Quiapo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *