Yorme, Alex kumain ng pagpag sa Mehan garden

Pampatanggal stress daw ng mga Pilipino ang vlog ni Alex Gonzaga, na talaga nga namang hindi nawawalan ng thrill ang bawat content na kanyang inilalabas. Palagi siyang may pasabog guest.

yorme alex kumain ng pagpag sa mehan garden - Yorme, Alex kumain ng pagpag sa Mehan garden
alex x yorme - Yorme, Alex kumain ng pagpag sa Mehan garden

Pampatanggal stress daw ng mga Pilipino ang vlog ni Alex Gonzaga, na talaga nga namang hindi nawawalan ng thrill ang bawat content na kanyang inilalabas. Palagi siyang may pasabog guest.

Kabilang sa mga naging guest niya ay si Charo Santos at Korina Sanchez. Hindi rin pinalampas ngayon at nasa #1 Trending list ng Pilipinas sa YouTube ang kuwelang pagpapaunlak ni Yorme Isko Moreno kay Alex na mapasama bilang guest nito sa kanyang vlog.

Unang tinanong ni Alex ay kung bakit tuwing gabi ito gumagawa ng kanyang mga operasyon. Paliwanag ni Yorme na 24 hours dapat talaga ang paggogobyerno, pakiramdam kasi ng nakararami na kapag gabi ay namamahinga na dapat, pero hindi naman talaga.

“The efficiency in governance is… can you be duplicated?” pahayag ni Isko.

Ipinakita rin sa vlog ni Alex ang tseke na nagkakahalaga ng P122,000, na suweldo ni Yorme.

Anyway, pinuntahan nina Alex at Yorme ang Mehan Garden kung saan ayon kay Isko, plano niyang magpa-lights and sounds doon tuwing gabi, pati rin padadagdagan ng mas marami pang halaman para ‘yung usok ng polusyon ay mabawasan sa mga nalalanghap ng mga Manilenyo.

Plano rin ni Yorme na magpa-garden wedding sa mahihirap doon sa naturang park.

Pagdating naman sa mga basher, ayon kay Yorme, agad niyang bina-block ang mga ito at nagmu-move on. Bago naman matapos ang vlog ni Alex, nagkulitan pa sila habang kumakain ng ‘pagpag’, at namangha si Alex na hindi “Laway Conscious” si Isko sabay sabi naman ni Yorme na “marami na akong naka-lips to lips sa buhay”.

Pero, nu’ng dilaan ni Alex ang hawak niyang pagkain, at tila inalok kay Yorme, malutong na halakhak ang reaksiyon nito. Kaloka, ha! (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *