Yllana school sa Lucena kinandado, kakasuhan

Kamakailan ay may grupo ng mga estudyante na lumapit sa himpilan ng Radyo 5 upang magsumbong sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo”.

yllana school sa lucena kinandado kakasuhan - Yllana school sa Lucena kinandado, kakasuhan
yllana college - Yllana school sa Lucena kinandado, kakasuhan

Kamakailan ay may grupo ng mga estudyante na lumapit sa himpilan ng Radyo 5 upang magsumbong sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo”.

Batay sa reklamo ng mga estudyante, hindi rehistrado sa TESDA (Technical Educational and Skills Development Authority) ang paaralang napasukan nila na na ang pangalan ay Yllana Colleges of Business and Arts Inc. na matatagpuan sa bayan ng Lucena.

Base sa napag-usapan sa pagitan ng isa sa mga personnel ng eskuwelahan at ni Raffy habang nagaganap ang panayam sa radyo, sinabi ng iskul na ibabalik ang pera na ibinayad ng mga estudyante sa pag-aaral nila roon.

Matapos ang naganap na panayam ni Tulfo sa grupo ng mga estudyante, patuloy itong tinutukan ng kanilang team kung saan lumapit sila sa TESDA upang makipag-ugnayan sa Yllana Colleges para sa deal ngunit sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay biglang hindi na ma-contact ang eskuwelahan na iyon.

Kaya naman lumapit na ang kanilang team sa NBI (National Bureau of Investigation) upang humingi ng tulong at alamin kung anong mga kaso ang maaaring isampa sa naturang iskul.

Ayon kay Raul Tepace na NBI agent sa Lucena, magsasampa ito ng kaso na violation of Estafa (Article 315: Large Scale Estafa) at violation of Batas Pambansa (Article 232: Education Act of 1982) sa naturang eskuwelahan.

Samantala, nagtaka ang lahat kung ano ang kinalaman ng magkakapatid na Yllana na sina Jomari, Anjo at Ryan sa eskuwelahang iyon. Inaalam ngayon kung sila ba ay konektado rito lalo’t gamit na gamit ang apelyido nila rito.

Makikita rin sa flyer ng Yllana Colleges na naka-paskil din ang mga mukha ng nasabing magkakapatid na tanyag sa showbiz industry.

“Alam kaya ni Anjo ito? Na ginagamit ang apelyido nila?” tanong ni Tepace.

Bagama’t sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, bago pa man tuluyang ihain ang kaso, nais munang alamin ng NBI kung may alam ba sina Jomari sa nangyayaring iyon.

Habang sinusulat ang istoryang ito ay wala pa kaming nakukuhang reaksyon sa mga magkakapatid na Yllana. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *