Yeng madalas atakehin ng ‘visiobibliophobia’

Pagkatapos na makaranas ng bashing sa social media, nagkaroon ng kung anong anxiety ang singer na si Yeng Constantino. Tuwing makakakita raw siya ng logo ng YouTube, Facebook or Twitter, kinakabahan daw siya at hindi niya ma-explain ang takot niyang ito ngayon sa social media.

yeng madalas atakehin ng visiobibliophobia - Yeng madalas atakehin ng ‘visiobibliophobia’
yeng 18 - Yeng madalas atakehin ng ‘visiobibliophobia’

Pagkatapos na makaranas ng bashing sa social media, nagkaroon ng kung anong anxiety ang singer na si Yeng Constantino. Tuwing makakakita raw siya ng logo ng YouTube, Facebook or Twitter, kinakabahan daw siya at hindi niya ma-explain ang takot niyang ito ngayon sa social media.

Na-bash nga si Yeng ng netizens dahil sa pagpapahiya niya sa isang doktor noong maaksidente ang mister niya habang nagbabakasyon sila sa Siargao.

“It’s my first time to be bashed that much, so na-culture shock ako.

“Pero sobrang hilig ko sa social media. After what happened to me, sobra akong na-homesick rin kasi nami-miss ko na ang social media pero I decided to stop for a while.

“‘Pag nakakakita ako ng YouTube logo, minsan kinakabahan ako eh.

“Kinakabahan ako ‘pag nakakakita ako ng Twitter logo. Sinabi ko ‘yun sa psychologist sa ‘Magandang Buhay’. ‘Alam niyo po ‘pag nakakakita ako ng logo ng YouTube, Twitter at Facebook, kinakabahan ako.’ Sabi niya, ‘Maganda ‘yan ginagawa mo na nagpapahinga ka, kasi nagulat ka eh,’” kuwento pa ni Yeng.

Ang tawag sa nararanasang fear of social media ni Yeng ay “Visiobibliophobia” or “Prosopobibliophobia”.

Si Yeng nga pala ay bida sa pelikulang “Write About Love” kasama si Rocco Nacino, Joem Bascon at Miles Ocampo, under TBA Productions. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *