Yeng inamin ang pambabasted kay Ryan Bang

Binuking ni Vice Ganda kamakailan sa “It’s Showtime” na nasawi sa pag-ibig ang South Korean host/aktor na si Ryan Bang nang ligawan ang singer na si Yeng Cons-tantino.

The post Yeng inamin ang pambabasted kay Ryan Bang appeared first on Abante News Online.

yeng inamin ang pambabasted kay ryan bang - Yeng inamin ang pambabasted kay Ryan Bang
yeng 11 - Yeng inamin ang pambabasted kay Ryan Bang

Binuking ni Vice Ganda kamakailan sa “It’s Showtime” na nasawi sa pag-ibig ang South Korean host/aktor na si Ryan Bang nang ligawan ang singer na si Yeng Cons-tantino.

Niligawan ni Bang si Constantino ilang buwan bago m­aging boyfriend ng singer ang kanyang first-ever boyfriend na si Yan Asuncion. Kinasal si Yeng kay Yan noong 2015 ng Pebrero.

Well, alam naman ng lahat kung gaano ka-close si Bang kay Vice Ganda dahil ito nga ay tinuturing niyang ina, which is why kapani-paniwala ang pambubuking ni Vice.

Bukod pa riyan, hindi rin maitatanggi ang ‘awkward’ facial reactions nina Ryan at Yeng na kitang-kita naman sa screen o kuhang-kuha ng kamera. Nakaupo bilang hurado si Yeng, habang nasa puwesto naman si Ryan sa kabilang dulo bilang “gong-basador.”

Binalikan pa ang panahon kung saan dinala umano ni Yeng si Ryan sa simbahan para iparating dito na hindi na lalagpas sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon.

So, sa madaling salita, na-“friendzone” nga ni Yeng si Ryan noon.

Nagbigay naman ng mensahe si Yeng kay Ryan bago pa man ito magbigay ng payo sa contender bilang hurado.

“Alam mo, hindi pa ‘yan ang huli. Pakiramdam ko, darating din ‘yung babae na sobrang maa-adore ka, sobrang irirespeto ka, at mamahalin ka rin, kaya cheer up!” mensahe ni Yeng kay Ryan. (Athena Yap)

The post Yeng inamin ang pambabasted kay Ryan Bang appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *