Yen type pa rin si Enzo Pineda

Sa Valentine special episode nitong nakaraang Sabado ng “MMK”, marami ang nadala sa love story na ginampanan nina Yen Santos at Enzo Pineda.

yen type pa rin si enzo pineda - Yen type pa rin si Enzo Pineda
enzo x yen - Yen type pa rin si Enzo Pineda

Sa Valentine special episode nitong nakaraang Sabado ng “MMK”, marami ang nadala sa love story na ginampanan nina Yen Santos at Enzo Pineda.

Pero mas lalong na-realize ng mga fan na mas nakakakilig pala ang kanilang pagganap sa “MMK” nang malaman na dati pala silang nag-date dalawa.

Sa Kapamilya chat kamakailan, binigyan sila ng “Truth or Dare” challenge. Nagtanong muna si Enzo kay Yen kung naniniwala ba ito sa second chance, sumagot si Yen at sinabing lahat naman dapat ay may second chance, ‘di lang sa love life, maging sa general na usapan.

Nang pagkakataon naman na ni Yen magtanong, ‘di inaasahan ng lahat ang tanong niya para kay Enzo.

“Ano’ng nangyari sa atin?” sabi ni Yen.

May pahabol na tanong pa siya na “Matagal ka nga… Ano ang nangyari noon?”

So, ang dating naman nito sa mga manonood ay na-ghost ni Enzo si Yen, pero mabilis na sumagot ang aktor, sinabing “baliktad”.Ibig sabihin si Yen umano ang nang-ghost.

Meanwhile, sinabi na rin nilang dalawa na nag-date sila noon.

Well, sinabi pa nga ni Yen na kung manliligaw man ulit sa kanya si Enzo ay bibigyan pa rin niya ito ng pagkakataon. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *