Yen Santos gaya-gaya kina You Do Note Girl, Mimi Yuuuh

Iba’t ibang mukha o karakter ang na-imagine ng mga fan sa bagong hitsura ng aktres na si Yen Santos sa kanyang super short hair na may bitin na bangs.

yen santos gaya gaya kina you do note girl mimi yuuuh - Yen Santos gaya-gaya kina You Do Note Girl, Mimi Yuuuh
yen 2 - Yen Santos gaya-gaya kina You Do Note Girl, Mimi Yuuuh

Iba’t ibang mukha o karakter ang na-imagine ng mga fan sa bagong hitsura ng aktres na si Yen Santos sa kanyang super short hair na may bitin na bangs.

Well, siguro nga ay nauuso ang ganoong style ng buhok sa panahon ngayon dahil bukod pa kay Yen, ganoon din ang buhok ng ilan sa mga sumisikat na personalidad gaya ni Mimi Yuuuh na vlogger at viral kid na si Majo o mas kilala bilang “You Do Note Girl”.

At ‘yung mga nabanggit nga na rising personalities ay ang mga taong sinasabi na muntik na maging kamukha ni Yen, pero mas maganda umano si Yen para sa mga fan.

Maski ang karakter na si “Tokyo” sa sikat na series ngayon ng Netflix na “Money Heist” ay naihalintulad sa aktres.

Tuwang-tuwa talaga ang mga fan sa bagong awra ng aktres, bagay na bagay nga raw ang new look sa kanya.

Maski ang kapwa artista nito na si Hero Angeles ay gandang-ganda sa kinalabasan ng pagpapagupit ni Yen.

Pero ang tanong ng mga fan, mayroon kayang bagong proyektong pinaghahandaan ang aktres dahilan para magpagupit ng ganoon ka-iksi, o trip niya lang?

Ano kaya ang nag-udyok kay Yen na magpa-super short hair with bitin na bangs? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *