Yassi sinisi sa hiwalayan nina Coco, Julia

Si Yassi Pressman nga ang tinuturong dahilan kung bakit ‘nagkahiwalay’ sina Coco Martin at Julia Montes. Si Yassi raw ang dahilan kung bakit ‘nilayasan’ ni Julia ang Pilipinas?

The post Yassi sinisi sa hiwalayan nina Coco, Julia appeared first on Abante News Online.

yassi sinisi sa hiwalayan nina coco julia - Yassi sinisi sa hiwalayan nina Coco, Julia
ABANTE yassi 1 - Yassi sinisi sa hiwalayan nina Coco, Julia

paistaran

‘Nakakatakot!’

Si Yassi Pressman nga ang tinuturong dahilan kung bakit ‘nagkahiwalay’ sina Coco Martin at Julia Montes. Si Yassi raw ang dahilan kung bakit ‘nilayasan’ ni Julia ang Pilipinas?

Si Yassi na nga ba ang bagong dyowa ni Coco? Hindi lang ba sa harap ng camera (bilang mag-asawa sa Ang Probinsyano) ang relasyon nila?

“Close kami,” sabi ni Yassi sa mga tanong sa kanya ni Tito Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN.

Pero, ano ang pakiramdam niya na siya ang tinuturong dahilan sa ‘hiwalayan’ daw nina Julia at Coco?

“In the beginning I was siguro, a little nervous.

“Medyo bothered, kasi hindi naman talaga…”

Pero, lumayas nga raw si Julia dahil sa iyo?

“Grabe naman po. Saan naman po nanggaling ‘yon?” say ni Yassi na medyo napatawa.

So, tinatawanan na lang niya nga­yon ang mga isyu sa kanila? At napa­ngiti ulit si Yassi.

Anyway, si Coco raw ang dahilan kung bakit nahilig din si Yassi sa pag-aalaga ng mga ahas.

“Si Tito Mike, nagdala siya ng ahas sa set, at pinangregalo niya sa birthday ni Coco. Akala ko laruan. Nu’ng nilabas nga niya, akala ko laruan.

“Noon nanginginig ako, pero natuwa­ rin ako. Quite surprising how people, na maramdaman na afraid sila, pero masaya,” sabi na lang ni Yassi.

Claudia Barretto umeksena sa Thai movie na ‘Friend Zone’

Iba rin itong si Claudia Barretto, ha! Ayaw pakabog kay Julia Barretto.
Well, hindi lang nga pang-Pilipinas ang beauty niya, dahil heto nga, mapapanood din siya sa Thai movie, ang Friend Zone.

Bukod nga sa siya ang kumanta ng theme song, may eksena rin siya sa pelikula, ha!

Bongga, ‘di ba? Tatahi-tahimik sa career niya, pero may pasabog pala.
Sa ganda ni Claudia, hindi malayong­ mapansin siya sa international market. At malay natin, ang Thai film na ito na ang mag-open sa kanya sa market na ‘yon.

Anyway, tungkol saan ba ang Friend Zone? Tungkol nga ito sa isang lalake na na-in love sa kanyang BFF? At ano ang mangyayari kung ang mahal mo ay nagka-boyfriend na?

Si Palm ay na-friend zone nga kay Gink for 10 years. Nagsimula nu’ng high school pa lang sila. At isang gabi nga, tinanong ni Gink si Palm kung ano ang mangyayari kung naging magdyowa nga sila? At ano nga ba ang mas mananaig sa huli, ang pagiging magkaibigan nila, o ang pagkakaroon ng relasyon?

Ang Friend Zone ay ang highest grossing Thai film this 2019, na pinagbibidahan nina Naphat Siangsomboon at Pimchanok Luevisadpaibul. Ang prodyuser ng mga pelikulang Bad Genius and Brother of the Year ang nagprodyus nito. Dinirek ito ni Chayanop ‘Mu’ Boonprakob. Palabas na ang Friend Zone sa April 10.

Alden, Barbie pababagsakin si Katrina

Bongga ang ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ na magsi-celebrate ng kanilang ikalawang taon ngayon, ha! Kaya naman sobrang mga special ang ipi-present nila simula ngayong March 31, na tinawag nilang “Lola Enchanted.”

Mapapanood nga ang karakter ni Alden Richards ngayon bilang Nonoy sa Pinoy Santa; si Katrina Halili as Malek; Barbie Forteza as Genie Lyn; Jo Berry as Elma Santelmo; and Kiray Celis as Fairy Gosh Monkey sa mystic world ni Lola Goreng (Gloria Romero).

Ang Enchanted Queendom ay pinamumunuan ng benevolent Reyna Lola (Gloria). Mga apo niya sina Princess (Jillian Ward), Prince (David Remo) and Prinsesita (Chlaui Malayao) – na laging ugat ng gulo sa kanilang lugar, kaya tinanggalan sila ng kapangyarihan ni Reyna Lola, at pinatira kasama sina Pol (Julius Erasga) and his aunt, Pacencia (Frances Makil).

Lalasunin ni Malek si Reyna Lola and takes over the throne. Magtutulong-tulong sina Nonoy, Genie Lyn, Elma and Fairy Gosh Monkey na talunin si Malek. Magawa kaya nila?

Under the direction of Rico Gutierrez, don’t miss Lola Goreng’s endearing­ tale about Enchanted Queendom starting this Sunday (March 31) in Daig Kayo Ng Lola Ko on GMA Sunday­ Grande.

The post Yassi sinisi sa hiwalayan nina Coco, Julia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *