Yassi nandiri sa sarili, sumiping kay Richard

Ano ang latest sa kuwento nina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa “FPJ’s Ang Probinsyano?”

The post Yassi nandiri sa sarili, sumiping kay Richard first appeared on Abante.

yassi nandiri sa sarili sumiping kay richard - Yassi nandiri sa sarili, sumiping kay Richard
11 1 - Yassi nandiri sa sarili, sumiping kay Richard

Ano ang latest sa kuwento nina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) sa “FPJ’s Ang Probinsyano?”

Well, sinusubukan na ulit ni Alyana na “bumawi” kay Cardo dahil binabagabag siya ng kanyang konsensya matapos nitong pagtaksilan ang asawa at bumigay sa isang gabi ng pakikipagsiping kay Lito (Richard Gutierrez).

Kaya tuloy ngayon, todo iwas si Alyana kay Lito. Sa katunayan, nangako na siya kay Cardo na hindi na siya magtatrabaho para kay Lito at mananatili na lang siya sa bahay. Guilty much?

Maraming viewers ang naloka sa karakter ni Yassi dahil kahit na mukhang inasahan nilang mapupunta sa kasalanan ang relasyon nila ni Lito, ngayon lang talaga na-realize ni Alyana na mas mahal niya si Cardo, huh?

Marami tuloy viewers ang galit kay Alyana ngayon, pero hindi naman nila mapigilang manood ng show dahil umabot sa halos tatlong milyong views ang dalawang YouTube videos ng “pagkakasala” ni Alyana kasama si Lito.

Anyway, todo hagulgol naman si Alyana kay Cardo sa isang eksena nila kahit hindi pa niya inaamin ang kanyang kasalanan. Para naman kay Cardo, inamin niyang hindi niya kayang mabuhay nang wala si Alyana at humingi rin siya ng tawad sa mga pagkukulang niya.

Pero ang tanong ng viewers, hanggang kailan kaya maitatago ni Alyana ang pagtataksil niya sa asawa? Naku, dahil may nangyari na sa kanila ni Lito, sigurado kaming gagamitin niya ito para makuha na nang tuluyan ang dating kasintahan. (Dondon Sermino)

The post Yassi nandiri sa sarili, sumiping kay Richard first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *