Yassi, Coco gagawing paraiso ang Siargao

Ayaw tantanan ng tsismis sina Yassi Pressman at Coco Martin, lalo na ngayon na nag-open ng resto-bar ang aktres sa Siargao. Nag-share si Yassi sa Instagram ng mga larawan sa Mexican themed resto niya, na tinawag na “Zicatela”.

yassi coco gagawing paraiso ang siargao - Yassi, Coco gagawing paraiso ang Siargao
yassi 6 - Yassi, Coco gagawing paraiso ang Siargao

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 6 336x224 - Yassi, Coco gagawing paraiso ang SiargaoAyaw tantanan ng tsismis sina Yassi Pressman at Coco Martin, lalo na ngayon na nag-open ng resto-bar ang aktres sa Siargao. Nag-share si Yassi sa Instagram ng mga larawan sa Mexican themed resto niya, na tinawag na “Zicatela”.

Maganda ang outdoor at interior design ng restaurant ni Yassi na meron talagang Mexican feel.

Nagpahayag ang mga fan, at mga taga-showbiz na mapuntahan at ma-experience ang lugar lalo na ang masarap na food. Nauna na ngang nagpunta roon sina Katarina Rodriguez at Rachel Peters na parehong in love sa Siargao.

Anyway, marami ang nag-congratulate sa bonggang business na ito ni Yassi, at ilan din ang nagbanggit ng pangalan ni Coco, gamit ang pangalan ng teleserye nitong “Ang Probinsyano”.

Nagtatanong ang iba kung kelan bibisita si Coco sa resto ni Yassi. Meron namang nagtaka kung bakit sa malayong lugar pa nagtayo ng business ang aktres, dahil mahihirapan daw ang aktor na mapuntahan ito nang madalas.

Naku, hindi talaga huhupa ang sitsit kina Yassi at Coco hanggang hindi sila nagsasalita sa tunay na estado ng kanilang samahan. Sabi ng iba, baka ang Siargao raw ang gawing paraiso ng dalawa. Kaloka, ha!

Alyssa Muhlach ‘di iniwan sa ere si Bong Alvarez

Tuloy-tuloy pa rin ang koneksyon ni Alyssa Muhlach at ng kanyang mga kapatid sa ama na si Bong Alvarez. Sa panayam namin sa beauty queen ay sinabi nitong madalas silang magkausap ng kanyang tatay at nagkikita rin sila ng kanyang mga kapatid sa ama.

Hindi raw napingasan ang tingin ni Alyssa sa ama kahit nasangkot sa ipinagbabawal na gamot, ilang taon na ang nakakaraan.

Ayon sa beauty queen ay “papa’s girl” talaga siya, na kahit anong pinagdaanang dilim sa pagkatao ng kanyang ama, hindi nabawasan ang pagmamahal niya rito.

Ibinalita ni Alyssa na tuloy-tuloy na ang pagbabago ni Bong at umaasa itong magiging matatag na ngayon ang kanyang ama sa tukso ng droga.

Natutuwa si Alyssa sa kanyang ama dahil may mga pinagkakaabalahan itong negosyo.

Anyway, first full teleserye ni Alyssa ang “Pamilya Ko” bilang love interest ni JM de Guzman. Pinagbibidahan din ito nina Sylvia Sanchez at Joey Marquez, na mapapanood sa ABS-CBN.

Vicki super kiliti sa paandar ni Hayden

Walang patid ang tamis ng pag-iibigan nina Vicki Belo at Hayden Kho sa tatlong taon nilang pagiging mag-asawa. Ipinakita ni Vicki ang video ni Hayden sa kanyang Instagram na kumakanta sa harap niya.

Kinilig ang celebrity doctor sa gesture ng asawa, na ayon sa kanya ay hinarana siya sa kanilang anniversary celebration.

Request ni Vicki na haranahin siya nito minsan at nangyari ito sa kanilang anniversary na si Hayden pa ang nag-organize ng surprise party sa kanilang dalawa.

“You are the sweetest and most loving husband,” sabi pa ni Vicki.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *