Yassi binawalang maghubad sa Palawan

Bigo ang mga fan ni Yassi Pressman na masilipan ang kanilang idolo na suot ang sexy bathing suit. Nagmistulang “manang” si Yassi sa pagrampa sa Palawan.

The post Yassi binawalang maghubad sa Palawan first appeared on Abante.

yassi binawalang maghubad sa palawan - Yassi binawalang maghubad sa Palawan
yassi 2 - Yassi binawalang maghubad sa Palawan

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 2 300x180 - Yassi binawalang maghubad sa PalawanBigo ang mga fan ni Yassi Pressman na masilipan ang kanilang idolo na suot ang sexy bathing suit. Nagmistulang “manang” si Yassi sa pagrampa sa Palawan.

Hindi nagbalandra ng kanyang bikini body ang aktres. Nakatapis ng sarong sa mga larawan ang aktres sa Instagram.

Kahit ang mag-emote sa video o sa buhangin, puno at batuhan na naka-swimsuit ay hindi ginawa ni Yassi.

Hatawera sa dance floor, millennial, pero pangmatanda ang ugali ni Yassi. Kung tutuusin, puwedeng humanay o kabugin ni Yassi ang ibang hubadera sa socmed sa ganda ng pigura nito, pero mas pinili nitong itago na lang ang kanyang alindog.

May duda ako na binawalang maghubad si Yassi sa Palawan. At kung sino man ang nagbawal sa kanya, yun ang dapat nating alamin.

Toni dapat tularan

Idolo na matatawag ang mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano sa ginagawa nilang paraan para matutunan ng anak nilang si Seve ang mga Tagalog word.

Bagamat, pinu-promote nina Toni at Direk Paul ang “Prutas Pilipinas” bilang mga endorser, malaking bagay pa rin na alam ni Seve na tukuyin ang mga prutas sa wikang Tagalog.

Sa Instagram, habang kinakanta ni Toni ang jingle ng endorsement, isa-isang inaabot sa bata ang prutas at saka niya ito pinapangalanan.

Malinaw na nabibigkas ni Seve ang “dalandan”, “suha”, “papaya”, “sampaloc”, “mangga” at iba pa.

English speaking ang bata, pero nakakaintindi, nakakapagsalita rin ng Tagalog.

Lumayas na sa condo: Megan, Mikael sa sahig natutulog

Sa halip na ikahiya, ipinagmalaki pa ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez ang pagtulog nila sa sahig, gamit ang comforter.

Pinoste ni Mikael sa Instagram ang video para ipakita ang iiwan nilang condo unit na wala na ngang mga gamit.

Lilipat ng bahay ang mag-asawa kaya wala na ang mga upuan, kama sa kanilang lumang condo unit. Kaya naman sa sahig muna sila natulog habang hindi pa sila nakakalipat.

‘Takusa’ ilalabas sa mga sinehan

Malalaman kung magiging tagumpay ba ang Viva Films o mas sesemplang ang latest movie nilang “Takusa” sa mga sinehan.

Matapang na sumugal ang Viva na ipalabas sa ilang mga SM cinema ang comedy film na pinagbibidahan nina Andrew E. Dennis Padilla, Janno Gibbs, Jerald Napoles.

Inianunsiyo nga ni Janno sa Instagram na showing na sa mga sinehan ang kanilang pelikula.

Hindi nga raw masyadong maganda ang naging box office returns ng mga movie na kasali sa MMFF, na sa online nga ipinalabas dahil sa Coronavirus.

May mga natatakot na baka lalo itong tumagilid sa mga sinehan dahil takot pa ngang manood ang publiko.

Pero malay natin, baka mag-milagro, at ang Viva ang kauna-unahang local film company na babasag sa takot ng mga netizen.

Alex pinahiya ang fan

Nilusaw ni Alex Gonzaga ang labis na kasiyahan ng isang fan na nag-akalang binigyan niya ito ng pansin sa kanyang TikTok live.

Ayon sa tweet ni Mary Josh Elise o @joshua_rosco, nag-view at nag-shout out pa sa kanya si Alex sa gitna ng TikTok live nya.

Tumitili sa kasiyahan ang netizen para ipangalandakan sa tweet ang binigay na atensyon sa kanya ni Alex. Nag-reply tweet naman si Alex. Pero sa halip na kumpirmahin ang post, sinopla niya ito at sinabing hindi niya account ang @itscathygonzaga. Ayon kay Alex, @MsCathyGonzaga ang TikTok name niya.

Napahiya ang fan at nag-sorry naman agad.

Goma asintado pa rin

Nagkaedad man at lumaki ang tiyan ni Ormoc Mayor Richard Gomez, hinding-hindi pa rin nawawala ang pulso nito sa sport. Napa-wow ang mga fan ni Goma nang muli niyang ipamalas ang kakayahan niya sa archery.

Nakaposte sa Instagram ni Mayor Goma ang video ng performance niya sa archery. Bulls eye lahat ang tama ni Goma sa magkakasunod nitong pagpapakawala sa tatlong target.

Makikita naman sa porma ng actor-politician na hindi nanginig ang katawan o kamay nito sa pag-asinta.

The post Yassi binawalang maghubad sa Palawan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *