Yasmien wish makatulong sa mga OFW

Kung hindi nag-artista, malamang ang pagiging diplomat ang pinasukang trabaho ni Yasmien Kurdi.

yasmien wish makatulong sa mga ofw - Yasmien wish makatulong sa mga OFW
yasmien 3 - Yasmien wish makatulong sa mga OFW

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 11 336x224 - Yasmien wish makatulong sa mga OFWKung hindi nag-artista, malamang ang pagiging diplomat ang pinasukang trabaho ni Yasmien Kurdi.

Sa live guesting ng Kapuso actress sa “Abantelliling” with Dondon Sermino noong Martes, sinabi nito tungkol sa foreign service ang pangarap niyang pasukan kaya siya kumuha ng political science sa kolehiyo.

Plano niyang mag-masteral sa foreign service para maging diplomat o ambassadress sa kahit na anong bansa lalo na sa Middle East at Kuwait kung saan siya ipinanganak at nanirahan silang mag-ina.

Paliwanag ni Yasmien, witness siya sa buhay ng mga OFW sa Kuwait kaya gusto niyang makatulong sa kanila.

Hindi nga lang malaman ni Yasmien kung kailan siya magma-masteral lalo’t sunod sunod ang trabaho niya at tapings sa bago niyang seryeng “Beautiful Justice” sa Kapuso network.

Bukas rin si Yasmien sa posibilidad na mabuntis muli at sundan na ang kanilang unica-hija na si Ayesha.

Itinanggi ni Yasmien na kinu-kontrol nila ng asawa niyang piloto, si Rey Soldevilla, ang pagbubuntis niya. Naghihintay lang sila kung kailan ulit bibiyaan ng Diyos ng isa pang anghel.

Jessa namilipit sa finger

Umaaringking sa kirot ngayon sa kanyang daliri si Jessa Zaragoza. Naka-post nga ang kanyang hintuturo o index finger sa Instagram wall niya para ipakita ang pinagdadaanan.

Hindi alam ni Jessa kung saan nanggagaling ang kirot sa kanyang daliri, na tinalian ng wooden flat stick.

Kakagaling lang ni Jessa sa minor mole surgery sa kanyang likod at ngayon naman ay daliri ang iniinda nito. Plano ni Jessa na ipa-opera ang kanyang finger kapag pinayuhan siya ng doktor.

Hindi halos makayanan ni Jessa ang kirot kaya nagpapahinga muna ito ngayon at hindi na muna nagdyi-gym.

Julia natauhan sa tunay na kapamilya

Kung may solid family ngayon sa social media, ito ay ang pamilya ni Marjorie Barretto.

Matapos ipahayag na nagbigay ng kasiyahan sa kanilang lahat ang pagsisilang ng anak niyang si Dani Barretto ng sanggol, nag-post naman si Julia sa kanyang Instagram wall ng nararamdaman niyang tuwa sa pagiging buo ng kanyang pamilya.

Base sa message caption ni Julia, tanggap na niya ang pagiging tiyahin ngayong meron na siyang pamangkin.

Pero bago pa man lumabas ang sanggol ng ate Dani niya, super love na niya ang bata. Mas lalo ngayong naisilang na ito.

Nag-post si Julia ng mga larawan nilang magkakapatid at kita ang pagiging super close sa isa’t isa maging sa kanilang ina.

Sey ng Kapamilya actress, wala na siyang hahanapin pang ibang pamilya kundi kung anong meron siya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *