Yasmien tutulong sa mga OFW

This week na pala ang graduation ni Yasmien Kurdi mula sa kolehiyo at hindi pa man ay nami-miss na raw niya ang mag-aral.

The post Yasmien tutulong sa mga OFW appeared first on Abante News Online.

yasmien tutulong sa mga ofw - Yasmien tutulong sa mga OFW
yasmin - Yasmien tutulong sa mga OFW

This week na pala ang graduation ni Yasmien Kurdi mula sa kolehiyo at hindi pa man ay nami-miss na raw niya ang mag-aral.

Ilang taon din nag-aral ng iba’t ibang kurso si Yas­mien at sa wakas ay nakatapos na siya ng political science course.

“Buhay Studyante naiisip ko palang nga­yon na next week na pala ako mamarcha, namimiss ko na agad mag-aral #ilovestu­dying #missingschoollife #politicalscience­student,” post ni Yas­mien sa Instagram.

Wala raw balak na mag-take up ng law si Yasmien. Ang kuku­nin niya ay consular dip­lomacy para makatulong siya sa mara­ming OFW.

“Ang mommy ko kasi OFW. Kaya alam ko ‘yung hirap na pinagdaanan niya. Noong tumira kami sa ibang bansa, makikita mo talaga ang hirap ng mga Pinoy sa kanilang trabaho para lang makapagpadala ng pera sa pamilya nila dito sa Pilipinas.

“’Yung iba sinusuwerte, pero mas ma­raming OFWs ang nakakaranas na maloko, maapi at hindi mabayaran nang tama. Iba sa kanila natatakot na lumaban dahil takot silang mawalan ng work. Paano nga naman ang pamilya nila?”
Ayon sa website na Diplo, ang Consular diplomacy “is directly connected with the enhanced role of publics in foreign affairs.

Consular diplomacy deals with two sets of people. The first is one’s own citizens, who need travel documents to go overseas, and protection and help while they tra­vel abroad: extradition, emergency assis­tance, and repatriation. The second group includes foreign citizens who need visas, illegal mig­rants, and overseas workers.” (Ruel Mendoza)

The post Yasmien tutulong sa mga OFW appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *