Yamyam Gucong wagi sa ‘PBB Otso’

Si Yamyam Gucong ang tinanghal na “Pinoy Big Brother: Osto” Big Winner, ang tinaguriang ‘Iskul Bai ng Bohol’.

yamyam gucong wagi sa pbb otso - Yamyam Gucong wagi sa ‘PBB Otso’
abante Yamyam - Yamyam Gucong wagi sa ‘PBB Otso’

Si Yamyam Gucong ang tinanghal na “Pinoy Big Brother: Osto” Big Winner, ang tinaguriang ‘Iskul Bai ng Bohol’.

Ang 25-an-yos na masipag na housemate ni Kuya ay nakalikom ng 58.52 percent na boto mula sa public votes. Inaasahan na nga ng mga fan na si Yamyam talaga ang mananalo, simula pa lang nu’ng pumasok ito sa PBB.

Bahagi si Gucong ng i­kalawang batch na pumasok sa bahay ni Kuya.

Tumataginting na P2 million, condominium unit at water refilling station ang naiuwi ni Gucong mula sa kanyang pagkapanalo bilang Big Winner ni Kuya sa season ngayon.

“Maraming, maraming sala-mat po. Sobrang saya ko po ngayong gabi dahil nasa inyong harapan ang ultimate big winner na si Yamyam!” ganadong-ganadong sinabi ni Yamyam.

“Napatunayan ko na sa aking sarili na kahit sa kahirapan, kaya nating bumangon sa buhay. Kaya nating humarap sa anumang hamon sa buhay. Maraming maraming salamat at hindi po ako nag-iisa,” dagdag pa niya.

Trending nga ito sa social media, sinabi pa ng mga fan na karapat-dapat lamang talaga na siya ang maging Big Winner dahil sa ipinakita nitong katapatan, kasipagan at pagsisikap habang nasa loob ng bahay ni Kuya.

Samantala, si Kiara Takihashi naman ang nanalo sa second place na may 30.29% votes at nag-uwi ng P500,000 at condominium unit. Habang si Lou Yanong naman ang nasa third place na may 8.28% at siyempre pa, si Andre Brouillette naman ang nasa fourth place na may 2.91 votes. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *