Yam nilunok ang inayawan na ng iba

Si Yam Concepcion ang pumalit kay Erich Gonzales sa teleseryeng “Love Thy Woman” ng ABS-CBN. Nag-resign nga kasi si Erich sa nasabing teleserye.

yam nilunok ang inayawan na ng iba - Yam nilunok ang inayawan na ng iba
Abante yam - Yam nilunok ang inayawan na ng iba

abante anything goes jun lalin 336x224 - Yam nilunok ang inayawan na ng ibaSi Yam Concepcion ang pumalit kay Erich Gonzales sa teleseryeng “Love Thy Woman” ng ABS-CBN. Nag-resign nga kasi si Erich sa nasabing teleserye.

Sabi ng nakausap ko, ire-reshoot daw ang mga eksenang nakunan na kay Erich.

May nagtanong naman — pagmumultahin ba ng Kapamilya network si Erich dahil mas lumaki ang gastos sa “Love Thy Woman” dahil sa pagre-resign ni aktres sa teleseryeng balik-tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim?
Well…

Showbiz couple s­eparated na

Alam mo, Dondon, kahit parehong “not active” sa showbiz ang showbiz couple na ito, palagi pa rin namang nakatutok sa kanila ang mga fan.
Palagi pa ring minamatyagan ang mga kilos nila.

Just the other night, may nagtsika sa akin na hiwalay na raw ang dalawa. Medyo sensitive ang tsinika sa akin na dahilan daw ng hiwalayan ng dalawa.

Isa raw sa kanila ang sumuko na dahil sa pinaggagagawa ng isa.

Teka! True kaya na hiwalay na ang showbiz couple na ito o iniintriga na naman sila ng ibang mga walang magawa at tila naiinggit sa kanilang relasyon?

And if ever, magkaroon naman kaya ng interest ang dalawang ito para i-confirm o i-deny ang tsikang hiwalay na sila?

Actually, ilang beses na rin naman silang natsika in the past na hiwalay na raw, pero palagi namang hindi pala totoo.
Well…

Aktres buntis ngayon

Naloka naman ako sa isang handler ng isang aktres. May tsika raw siya.
May aktres daw na buntis ngayon.

Binanggit ko ang pangalan ng aktres na alaga niya dahil the last time na nakatsikahan ko ito ay sinabi mismo sa akin ni aktres na gusto na niyang magbuntis ngayong taon na ito.

“Hindi!” sey ni handler.

So, sino nga ang buntis?

‘Kaloka si hand-ler dahil ayaw pangalanan at ginawa pang blind item ang pagkukuwento sa akin, ‘noh?!

Lala, Arnold reunion hiling ng mga fan

Kamakailan ay nag-birthday party si Maribel “Lala” Aunor at isa sa mga bisita niya ay ang kapwa niya miyembro noon ng Apat Na Sikat na si Arnold Gamboa.

Sabi ng isa sa mga um-attend ng nasabing party, sana raw ay magkaroon ng reunion ang Apat Na Sikat nina Lala, Arnold, Winnie Santos at Dondon Nakar.

In fairness, sobrang sikat talaga ang nasabing grupo noong araw, kaya magandang idea nga naman kung magkakaroon sila ng reunion show at maganda rin daw kung isasama roon ang apat sa pinakasikat na young stars ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *