Yam Concepcion magpapakitang-gilas sa pag-‘VJ’

Bibida si Yam Concepcion sa numero unong music channel sa Pilipinas, bilang MYX Celebrity VJ para sa buong buwan ng Mayo. Nagtapos man ang “Halik,” patuloy pa rin si Yam sa panggigiliw, pagpapainit sa mga manonood sa kanyang pagsabak sa MYX para maghatid ng pinakabagong mga kanta at sumagot ng mga maiinit na tanong mula sa mga fan.

The post Yam Concepcion magpapakitang-gilas sa pag-‘VJ’ appeared first on Abante News Online.

yam concepcion magpapakitang gilas sa pag vj - Yam Concepcion magpapakitang-gilas sa pag-‘VJ’
ABANTE yam - Yam Concepcion magpapakitang-gilas sa pag-‘VJ’

by Dondon Sermino

Bibida si Yam Concepcion sa numero unong music channel sa Pilipinas, bilang MYX Celebrity VJ para sa buong buwan ng Mayo. Nagtapos man ang “Halik,” patuloy pa rin si Yam sa panggigiliw, pagpapainit sa mga manonood sa kanyang pagsabak sa MYX para maghatid ng pinakabagong mga kanta at sumagot ng mga maiinit na tanong mula sa mga fan.

Maghahari rin ang Itchyworms ngayong tag-init bilang “MYX Headliner.” Abangan ang MYXclusive performances ng Itchyworms sa hit songs na “Sisikat Muli Ang Araw”, “Loco” at “‘Di Na Muli.” Nominado rin ang “Sisikat Muli Ang Araw” video ng banda para sa Rock Video of the Year category sa darating na MYX Music Awards 2019.

Tatayo naman ang singer-songwriter na si Rice Lucido sa ilalim ng “MYX Spotlight.” Handog ni Rice ang kanyang “Hele Ng Maharlika” album pati na rin ang “The Hows Of Us” OST na “Dalawang Tao” upang maghatid ng “feels” ngayong buwan.

Samantala, magaganap na ang MYX Music Awards 2019 sa ABS-CBN Vertis Tent sa May 15 (Miyerkoles).

The post Yam Concepcion magpapakitang-gilas sa pag-‘VJ’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *