Yam binuking ang nakaraan nina Jane, JC

Aliw ang guesting ni Yam Concepcion sa ‘We Rise Together’ online show nina DJ Jhai Ho, co-host sina JC Alcantara, Arielle Roces.

The post Yam binuking ang nakaraan nina Jane, JC first appeared on Abante.

yam binuking ang nakaraan nina jane jc - Yam binuking ang nakaraan nina Jane, JC
Yam Concepion - Yam binuking ang nakaraan nina Jane, JC

Aliw ang guesting ni Yam Concepcion sa ‘We Rise Together’ online show nina DJ Jhai Ho, co-host sina JC Alcantara, Arielle Roces.

Unang-una, kahit pala kagigising lang ni Yam, maganda na agad ito, at fresh na fresh talaga, kahit walang make up.

Pero, ang mas bongga nga ay ang diretsahang pagtatanong ni Yam kay JC sa nakaraan nit okay Jane de Leon.

Nagkasama nga sina Yam at JC sa teleseryeng ‘Halik’ noon. At tinanong nga ni JC si Yam kung ano ang nararamdaman nito sa pagtatapos ng Love Thy Woman.

“Napakaganda naman ng tanong mo JC,” birong sagot ni Yam, pero umamin nga na sobrang blessed siya na dahil sa Love Thy Woman ay nakasama niya ang mga idolo niyang sina Christopher de Leon at Eula Valdez.

Pero, nakakaloka nga ang mga sumunod na linyahan ni Yam kay JC:

“Grabe na-miss na kita,” sabi nito kay JC.

“Kayo pa rin ba ni Jane de Leon? Ay!” diretsong tanong ni Yam kay JC.

Na siyempre, ikinagulat ni JC, at hindi nga siya handa. Pero, sinagot din naman ni JC ang tanong na…

“No. Hindi na po. No po. No po.

“Masaya na ako, Ate Yam. Masaya na ako sa kung ano ang nararating ko ngayon. Blessed ako sa ibinibigay sa aking project ng Rise kaya focus muna ako sa work ko ngayon,” sagot pa ni JC na tila nataranta.

Si JC nga ay mas nakilala dahil sa BL serye nila ni Tony Labrusca, ang “Hello Stranger”. (Dondon Sermino)

The post Yam binuking ang nakaraan nina Jane, JC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *