Yam ayaw paawat sa kalandian

Sa huling tatlong linggo ng primetime seryeng “Halik,” mas maraming kakulitan ang ibinahagi ng cast ng naturang palabas sa kanilang Instagram story.

The post Yam ayaw paawat sa kalandian appeared first on Abante News Online.

yam ayaw paawat sa kalandian - Yam ayaw paawat sa kalandian
yam 3 - Yam ayaw paawat sa kalandian

Sa huling tatlong linggo ng primetime seryeng “Halik,” mas maraming kakulitan ang ibinahagi ng cast ng naturang palabas sa kanilang Instagram story. Araw-araw, bukod sa mismong teleseryeng “Halik,” inaabangan din ng mga fan ang kulitan ng mga cast sa kanilang set na ina-upload palagi sa kani-kanilang IG story lalo na ang pinakamadalas may entry na si Jade o si Yam Concepcion.

Tumatak na nga talaga sa mga manu­nuod at minahal na rin nila ang very effective na nakakainis na role ni Yam bilang Jade, kaya naman bumuhos ang pagbabahagi ng mga fan sa kanilang kalungkutan dahil matatapos na ang nasabing palabas. Wala na raw kasi silang kabubuwisitan tuwing gabi.

Well, sa kalalakihan naman ay medyo gumaan daw ang pakiramdam sa pagtatapos ng palabas dahil mababawasan na ang pag-o-overthink ng kanilang asawa o girlfriend.

Anyway, nag-post din si Yam sa kanyang Instagram story ng kanyang kaunting saloobin sa pagtatapos ng kanilang teleserye. Sinabi ng aktres na mami-miss niya ang pagganap bilang Jade pati ang mga co-actor niya. Nagpasalamat din siya sa mga production head ng “Halik.”

Well, parang ayaw ngang paawat ni Yam sa kalandian sa harap ng kamera, ha! (Athena Yap)

The post Yam ayaw paawat sa kalandian appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *