Xian susundan ang yapak nina FPJ, Manoy

Handang-handa na talagang sumagupa si Xian Lim sa mga makakalaban niya sa lalabas na Cinemalaya Film Festival.

The post Xian susundan ang yapak nina FPJ, Manoy appeared first on Abante News Online.

xian susundan ang yapak nina fpj manoy - Xian susundan ang yapak nina FPJ, Manoy
ABANTE xian lim kim landian - Xian susundan ang yapak nina FPJ, Manoy

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Xian susundan ang yapak nina FPJ, ManoyHandang-handa na talagang sumagupa si Xian Lim sa mga makakalaban niya sa lalabas na Cinemalaya Film Festival.

Naka-post sa Instagram ni Xian ang larawan ng kanyang team na kuha sa kanilang post-production at color grading.

Ang official film entry na “Tabon” ang directorial debut ni Xian, na pinagbibidahan ni Christopher Roxas. Sasabak si Xian sa mga beteranong filmma-ker at makikipagtagisan ng kakayahan sa pagdidirehe ng pelikula sa taong ito ng Cinemalaya.

Sa pagtatangkang ito ni Xian bilang film director habang nag-aartista, sumusunod siya sa yapak nina Eric Quizon, Laurice Guillen at ng mga yumaong sina Fernando Poe, Jr. at Eddie Garcia.

Ang mga nabanggit na mga aktor ay pinagsabay ang pagiging film director at pag-aartista. Sina Gina Alajar at Ricky Davao naman ay nag-concentrate sa TV directing.

Sophie ‘di ‘bilmoko’ kay Vin Abrenica

Sobrang jackpot si Vin Abrenica kay Sophie Albert, ha! Bukod sa napakaganda, sexy, nagmula sa magandang pamilya, mahusay na aktres, hindi rin materyalistikong babae, ha!

Sa guesting nina Sophie at Max Collins sa “Abantelliling” last Friday (mapapanood sa Abante News Online Facebook page at YouTube channel), napag-usapan namin ni Dondon Sermino ang tungkol sa takbo ng relasyon nila ni Vin.

Napunta ang usapan sa mga regalo at kung gaano ka-generous ang kanilang mga dyowa sa kanila. Si Max ay misis ni Pancho Magno, na ayon sa kanya ay hindi raw siya mahilig sa mga lu-xury item.

Ganu’n din si Sophie na hindi niya gustong nireregaluhan siya ng mamahalin ni Vin dahil wala naman siyang masyadong paggagamitan nito lalo, at mas gusto raw niya na nasa bahay lang kesa maglamyerda.

Pagdating sa pagdi-date, hindi rin pumapayag si Sophie na bayaran ni Vin ang pagkain niya. Gusto niya share sila sa gastos. Kahit sa mga trip nila abroad, laging hati sa gastos sina Sophie at Vin.

Ayaw ni Sophie na ginagastusan siya ng lalaki o ni Vin dahil sa paniniwala niya na meron naman siyang trabaho. May pagkakataon na ipinipilit ni Vin na siya ang magbayad kahit sa mga date nila pero ayaw ni Sophie.

Naloka kami ni Dondon sa kuwento ng kontrabida ng “Bihag.” Sa anim na taon nilang magkasintahan, hindi nabubutasan ng bulsa ang aktor para kay Sophie.

Napabiro tuloy ako na hiwalayan na niya si Vin at may ipapakilala ako sa kanyang mayaman na ito ang bahala sa lahat ng gastos. Tumawa lang si Sophie.

Ahron Villena pumalpak sa bandera ng Indon esia

 

Pinuna ng kanyang mga follower si Ahron Villena sa Instagram post nito na nasa hanging pool sa Bali, Indonesia. Ipinangalandakan ni Ahron ang excitement at katuwaan sa bakasyon niyang ‘yon sa itinuturing na popular beach o island tourist destination sa buong Asia.

Mali ang flag na inilagay ni Ahron sa caption na hindi bandera ng Indonesia, dahilan para punahin ito at sabihan ng kanyang mga follower na palitan ang naunang flag. Agad namang pinalitan ni Ahron ang bandera matapos mag-comment ang marami, dahil sa pag-aalalang baka may magalit na taga-Indonesia.

Humingi ng sorry si Ahron sa mga pumuna at sinabing nalito lang siya. Pero posibleng hindi alam ng aktor kung ano ang bandera ng Indonesia.

The post Xian susundan ang yapak nina FPJ, Manoy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *