Xian Lim humagulgol sa IG

Awang-awa ang mga fan, kaibigan, follower ni Xian Lim sa kanya sa ibinahagi niyang kuwento sa Instagram. Luhaang tumambad si Xian sa IG nang ibalita na ooperahan ang kanyang lola.

The post Xian Lim humagulgol sa IG first appeared on Abante.

xian lim humagulgol sa ig - Xian Lim humagulgol sa IG
Xian Lim 1 - Xian Lim humagulgol sa IG

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Xian Lim humagulgol sa IGAwang-awa ang mga fan, kaibigan, follower ni Xian Lim sa kanya sa ibinahagi niyang kuwento sa Instagram. Luhaang tumambad si Xian sa IG nang ibalita na ooperahan ang kanyang lola.

May cancer sa dibdib ang lola ni Xian, kaya dadaan ito sa mastectomy. At hindi napigilan ni Xian ang humagulgol habang sinasabi ang kalagayan ng isa sa tatlong babaeng mahal niya, kabilang nga ang kanyang mommy, at si Kim Chiu.

Panay nga ang punas ni Xian ng luha habang nagsasalita.

Inilahad ni Xian ang kuwento ng kanyang lola para ipaalala sa lahat ang importansya ng pagbibigay atensyon sa mga mahal sa buhay. Importante nga raw na iparamdam ang pag-ibig, malasakit sa lahat ng miyembro ng pamilya, kaibigan, habang maaga pa.

Marami sa mga tagahanga, kaibigan ni Xian ang naiyak din sa kanyang video.

***

FB ni Shamcey na-hack

Nagpapasaklolo si Shamcey Supsup sa kanyang mga Instagram follower dahil biglang na-disabled ang kanyang Facebook, pati ng kanyang asawa na si Lloyd.

Nangangamba si Shamcey para sa account ng asawa dahil naka-link daw ito sa lumang phone number nila na hindi na gumagana. Hindi na makukuha ng mister ang code na ipinadala ng FB dahil matagal nang wala ang nasabing mobile number.

Wala raw access ang beauty queen para ma-contact ang admin ng FB.

Sinusulat ang item na ito, wala pang update kay Shamcey kung naibalik na ang kanilang FB account.

***

Jinkee naghahanda sa bugbugan

Nagtataka ang mga fan sa mga posting ni Jinkee Pacquiao sa Instagram. Sunud-sunod ang pag-upload ni Jinkee ng mga work-out activity niya.

Meron sa tabing dagat na nagi-exercise siya, meron din sa basketball court, at meron din na nagbu-boxing siya.

Sumasabay rin si Jinkee sa pagtakbo ng asawang si Sen. Manny Pacquiao. Kaya tanong ng netizen, may pinaghahandaan ba si Jinkee na matinding bugbugan kaya madalas itong mag-ehersisyo?

Ngayong nasa GenSan ang mag-asawa, mas nagkaroon ng panahon si Jinkee na mag-exercise.

The post Xian Lim humagulgol sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *