‘Xerex’ bibida sa PopTV: Joyce, Katya, Osang magpapainit muli

Batang 90s ka ba? Well, muli ngang mapapanood ang mga certified pantasya ng bayan noong 90s hanggang early 2000 na sina Joyce Jimenez, Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Aubrey Miles, Rosanna Roces, at iba pa sa bagong mobile streaming app na POPTV.

The post ‘Xerex’ bibida sa PopTV: Joyce, Katya, Osang magpapainit muli first appeared on Abante.

xerex bibida sa poptv joyce katya osang magpapainit muli - ‘Xerex’ bibida sa PopTV: Joyce, Katya, Osang magpapainit muli
abante joyce - ‘Xerex’ bibida sa PopTV: Joyce, Katya, Osang magpapainit muli

Batang 90s ka ba? Well, muli ngang mapapanood ang mga certified pantasya ng bayan noong 90s hanggang early 2000 na sina Joyce Jimenez, Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Aubrey Miles, Rosanna Roces, at iba pa sa bagong mobile streaming app na POPTV.

Una ngang magpapainit ng laman ang de-kalibreng pelikula ni Erik Matti na “Scorpio Nights 2” tampok ang original pantasya ng bayan na si Joyce Jimenez at aktor na si Albert Martinez.

Kasunod ang “Balahibong Pusa” na bida pa rin si Joyce, katambal ang tinaguriang ‘Totoy Mola’ na si Jay Manalo.

Hindi rin magpapahuli si Rosanna Roces dahil muli ngang bibida sa POPTV ang mga pelikula niyang “Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga,” “Mga Lalaki sa Buhay ni Selya,” at “Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin.”

At siyempre, may paandar din ang mga Viva Hot Babes, tulad ng “Gamitan” ni Maui Taylor, “Sukdulan” ni Katya Santos, “Lupe: A Seaman’s Wife” ni Andrea del Rosario, at “Room 213” ni Gwen Garci.

Abangan din ang “Sex Drive,” “Torotot,” “Ang Huling Birhen sa Lupa,” at “Hibla.”

At siyempre, hindi pakakabog si Aubrey Miles na bida sa mga pelikulang “Prosti” at “Xerex.”

Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P49 lang valid sa loob ng tatlong buwan. Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph

POPTV
Watch filipino films & TV programmes online or stream right to your mobile and tablet.

. (DS)

The post ‘Xerex’ bibida sa PopTV: Joyce, Katya, Osang magpapainit muli first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *