Wish ni Angel: ABS-CBN makabalik na sa ere

Super dami ng wish ni Angel Locsin ngayong 2021. At lahat sila, makabuluhan para sa mga Pilipino.

The post Wish ni Angel: ABS-CBN makabalik na sa ere first appeared on Abante.

wish ni angel abs cbn makabalik na sa ere - Wish ni Angel: ABS-CBN makabalik na sa ere
abante angel locsin 9 - Wish ni Angel: ABS-CBN makabalik na sa ere

Super dami ng wish ni Angel Locsin ngayong 2021. At lahat sila, makabuluhan para sa mga Pilipino.

Pero siyempre, meron din naman siyang wish na para sa sarili niya, o para sa relasyon nila ni Neil Arce, lalo na sa nalalapit nilang kasal.

“Very happy to end 2020 (emitocon na super tawa) sa 2021, wala nang COVID, mananalo ako sa lotto, gaganda ang environment, wala nang corruption, more job opportunities for all, magandang education, magagandang values para sa mga kabataan, walang sakuna, walang masamang tao.

“Papayat ako, walang abuse, gaganda ang takbo ng economy, tataas ang sweldo ng lahat, babalik ang ABS-CBN, magandang love life para sa lahat, walang magugutom, walang magkakasakit, walang masasaktan, walang mangaabuso…

“Ibig sabihin, Lord, Kayo na po ang bahala at Kayo lang po ang makakagawa neto at kami pong mga tao ay mga instrumento Mo lang po, Panginoon. Please guide us para sa mas maganda at payapang mundo para sa lahat!

“PS. Sana hindi umulan sa kasal ko!” sabi ni Angel.

Of course, tulad ng ibang Kapamilya star, at mga nagmamahal sa Channel 2, wish na sana ngayong 2021 ay makabalik na ito sa ere, o mabigyan na ng prangkisa. (Dondon Sermino)

The post Wish ni Angel: ABS-CBN makabalik na sa ere first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *