Winwyn tinanggi ang ‘relasyon’ kay Alden

Ang “Dahil sa Pag-Ibig” ang bagong afternoon prime ng Reina Hispanoamericana na si W­inwyn Marquez. Pero, mukhang mas bagay na sabihin ni Winwyn, “Nang Dahil sa McDonalds.”

The post Winwyn tinanggi ang ‘relasyon’ kay Alden appeared first on Abante News Online.

winwyn tinanggi ang relasyon kay alden - Winwyn tinanggi ang ‘relasyon’ kay Alden
Winwyn Marquez - Winwyn tinanggi ang ‘relasyon’ kay Alden

Ang “Dahil sa Pag-Ibig” ang bagong afternoon prime ng Reina Hispanoamericana na si W­inwyn Marquez. Pero, mukhang mas bagay na sabihin ni Winwyn, “Nang Dahil sa McDonalds.”

Heto’t nagiging sentro siya ngayon ng mga pamba-bash.

Magmula nga nu’ng um-attend ni Winwyn sa imbitasyon ni Alden Richards noong mag-grand opening ito ng sariling McDonald’s branch sa Biñan Highway, Laguna ay naisyu at nali-link na ang dalawa.

Ang dahilan, nabig-yan ng malisya ang pagpunta ni Winwyn kasama pa ang pinsan na si LJ Moreno. May nagko-comment pa na, “hindi naman sila talaga ang close ni Alden. Mas close pa nga si A­lden kay Yna Asistio na dating ex-girlfriend din ni Mark Herras.”

Natatawa na lang daw si Winwyn kahit noong unang makara-ting sa kanya ang isyu.

“Natawa ko, e, parang lahat naman yata nali-link kay Alden. So ako, kasama na ‘ko sa list? Hahaha! Wala, wala talaga. Matagal na kaming magkaibigan ni Alden.”

Lahad pa ni Winwyn, invited rin daw siya sa mga dating opening ng restaurant ni Alden, pero ngayon lang daw siya nakarating talaga. Ang pinsan naman daw niya na si LJ, ang common friends nina LJ at Alden ang nagsama rito.

Hindi rin daw apek-tado si Winwyn ng mga pamba-bash ng mga fan sa kanya sa social media.

“Naka-filter kasi ang Instagram ko. So, sa akin, hindi ko nababasa. Unless ita-tag ako sa ibang account, pero, dedma.

“Wala akong time for that now, enjoy ako sa pagiging single ko ngayon. At dito nga, sa bagong soap na ‘Dahil sa Pag-Ibig.’”

Sinigurado naman ni Winwyn na kahit na nahahaluan ng malisya ang friendship nila ni Alden, hindi raw ito magiging dahilan para may mabago o magka-ilangan sila.

Sa isang banda, ibang Winwyn naman ang mapapanood sa kanya sa bagong afternoon prime nga. Kung dati, umiiwas pa si Winwyn sa mga daring, sexy roles, mukhang this time ay palaban na nga siya kasama sina Pancho Magno, Benjamin Alves at Sanya Lopez simula ngayong Lunes, May 20.

Rachel Alejandro naiyak sa trailer ng ‘Quezon’s Game’

Humakot na ng sangkaterbang award ang Star Cinema, Iwant at Kinetek Production produced period film na “Quezon’s Game.” Ilan sa mga festivals abroad na talagang kinilala ang pelikulang ito at ang b­uhay ng kauna-unahang Presidente ng bansa na si Manuel L. Quezon ay sa Canada at Texas, kunsaan itinanghal itong Best Foreign Movie.

Ilan sa mga bida rito ay sina Raymond Bagatsin­g who played Manuel L. Quezon at R­achel Alejandro.

Sabi nga ni Rachel, ang dami raw memorable scenes sa movie, pero ang pinaka-hindi raw niya makakalimutan ay ‘yung napapanood na rin sa trailer.

Aniya, “For me, ang pinaka-powerful scene was, when they we’re going to the list of names. Nasa trailer naman na ito kaya hindi na spoiler.

“Malalaman nila na hindi na-grant ang mga visa. Ang bigat-bigat nu’n kasi, wow, kikilabutan kayo at tutulo na lang luha niyo because they we’re so good in that scene. ‘Yung scene na ‘yun ang para sa akin, pinaka-tagos sa puso.”

Ngayong May 29 na ito ipalalabas sa mga sinehan.

The post Winwyn tinanggi ang ‘relasyon’ kay Alden appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *