Willie pasimuno ng away: Miss Manila binatikos ng mga fan sa panlalait kay Hipon girl

Sabi ng mga fan, pinahamak ni Willie Revillame si Miss Manila Alexandra Abdon sa mismong show na Wowowin ng GMA 7.

The post Willie pasimuno ng away: Miss Manila binatikos ng mga fan sa panlalait kay Hipon girl first appeared on Abante.

willie pasimuno ng away miss manila binatikos ng mga fan sa panlalait kay hipon girl - Willie pasimuno ng away: Miss Manila binatikos ng mga fan sa panlalait kay Hipon girl
hipon - Willie pasimuno ng away: Miss Manila binatikos ng mga fan sa panlalait kay Hipon girl

Sabi ng mga fan, pinahamak ni Willie Revillame si Miss Manila Alexandra Abdon sa mismong show na Wowowin ng GMA 7.

Kung panonooriin ang video, makikita na si Willie ang nagsimula ng giyera, patutsadahan sa pagitan nina Alexandra at Hipon girl na si Harlene Budol.

Kinumpara kasi ni Willie ang itsura, suot nina Harlene at Alexandra. Kinuwestiyon ni Willie ang suot (sexy) ni Harlene at pinuri naman ang suot ni Alexandra.

Pinatayo niya ang dalawa na tila pinagsasabong. Pinag-fashion show at pinag-intro na parang mga beauty queen contestant.

At `yun na nga, nagbitaw na ng masasakit (kahit idinaan sa pabiro) na salita si Alexandra kay Harlene.

Anyway, mas nakuha ni Hipon ang simpatiya kontra kay Miss Manila.

Inakusahang bully, bastos, hindi class si Alexandra. Samantalang mas marami nga ang nagsabing mas maganda, seksi, at may breeding pa si Harlene kay Alexandra.

At sabay-sabay na sigaw ng mga netizen sa Twitter, mabuti na lang at natalo si Miss Manila!

Well… (Dondon Sermino)

The post Willie pasimuno ng away: Miss Manila binatikos ng mga fan sa panlalait kay Hipon girl first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *