Willie may matinding hamon kay Janno

Nakakaaliw sina Willie Revillame at Janno Gibbs.

willie may matinding hamon kay janno - Willie may matinding hamon kay Janno
abante janno - Willie may matinding hamon kay Janno

Rose Garcia Ansabeh 8 1 336x175 - Willie may matinding hamon kay JannoNakakaaliw sina Willie Revillame at Janno Gibbs. So, aabangan sa Lunes sa show ni Willie kung mapapapunta, mapapagising ng maaga ni Willie si Janno at mapapa-guest nga niya ito.

Pinarinig ni Willie ang kanta ni Janno na “Fallin” at saka tila ginamitan nito ng reverse psychology si Janno na kilala na palaging late or minsan, hindi nakakasipot sa schedule sa kung anuman kadahilanan.

Sabi ni Willie na tila hindi makapaniwala na si Janno ang naka-line-up na guest nila. Kaya sabi niya, “Kayo na ang humusga. Sa Monday, Janno Gibbs live here sa Will Tower. Hayan ha, in-announce ko na, nasa iyo na ‘yan. Nag-commit na ba? Tawagan ko nga mamaya. Magaling ‘yan, gawin nating co-host.

“Magaling ‘yan, saka masipag at ang gusto ko kay Janno, very professional, laging on time. ‘Yan ang gusto ko kay Janno. Janno, I love you! Kung dumating yan, 7 o’clock ng umaga, 4 o’clock pa lang nandoon na ng umaga… kinabukasan! Hahaha! Biro lang!” sabi ni Willie.

Obviously, natawa rin si Janno sa pag-announce at pangdi-dare sa kanya ni Willie. Pinost nito sa Instagram account niya at saka nag-caption na, “Wahaha! Makakarating kaya ako? Abangan sa Lunes.”

Dahil sa post niya, pinayuhan na tuloy ng netizens si Janno. May nagsabi na, “Career-in Mo Na, Sayang…” “Wag ka magpuyat ng Linggo. Para see you on Monday.” “Please naman uy… lagi ako nanonood kay Koya Wel…haha…gudluck ser wag po, late. Watch po namin kayo.”

Glaiza lalong kinamuhian ng mga fan

Habang kasalukuyang naka-lockdown pa rin sa Baler si Glaiza de Castro, kasama ang kanyang mga magulang at ang Irish boyfriend, at ine-enjoy ang tila “bakasyon” niya, lalo namang dumai ang namumuhi sa kanya.

Ang dahilan, parehong mga dating teleserye niya ang napapanood ngayon, na kung saan ay pareho siyang kontrabida.

Kaya dinadaan na lang ni Glaiza sa mga birong tweets kapag nakatatanggap ng mga hate messages. Sey niya, “Tago na po ako.” “Juskopo!”

At sey niya rin, kung sa telebisyon daw ay masamang tao ang tingin sa kanya, babawi na lang daw siya sa social media niya at do’n nga nagpu-post ng mga music naman niya.

Bumabawi na nga lang si Glaiza sa socmed at marami naman ang pumupuri sa kanya sa pagpakita raw nito ng wisdom sa usapin tungkol sa mga OFW naman kunsaan, naki-join siya saKuwentong OFW: Mga Babaeng Biya(hero) sa Panahon ng COVID, a series of facebook Live.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *