Willie inindiyan, napikon: Miss Manila bawal na sa ‘Wowowin’

“I’m sorry, Miss Manila. That’s it. Maybe see you in another life.”

The post Willie inindiyan, napikon: Miss Manila bawal na sa ‘Wowowin’ first appeared on Abante.

willie inindiyan napikon miss manila bawal na sa wowowin - Willie inindiyan, napikon: Miss Manila bawal na sa ‘Wowowin’
Willie Revilla - Willie inindiyan, napikon: Miss Manila bawal na sa ‘Wowowin’

“I’m sorry, Miss Manila. That’s it. Maybe see you in another life.”

‘Yan ang naging mensahe ni Kapuso host Willie Revilla kay Miss Manila Alexandra Abdon matapos na hindi sumipot ang magandang dilag sa kanyang guesting sa ‘Wowowin’.

Naglabas ng hinanakit si Willie kung saan sinabi nito na dapat ay magi-guest sa kanya ang Miss Universe candidate, ngunit may shooting pala ito.

“Sinabi natin sa kanya nung Friday gi-guest natin siya. Eh nag-commit ka. Sayang, dapat ikaw ang co-host ko, Miss Manila,” giit ni Willie.

Aniya pa, hindi na niya pinapasok sina ‘Hipon Girl’ at Michele Gumabao na kanyang regular na co-host sa pag-aakalang pupunta si Abdon.

Dahil dito, sinabi ni Willie na hindi na niya kukuning guest si MIss Manila.

“Sorry, hindi ka namin magi-guest na. Hindi mo kami binigyan ng pagkakataon na makilala at makasama ka,” lahad ng ‘Wowowin’ host.

Pinaliwanag naman ni Willie na hindi siya nagagalit kay Abdon, ngunit dapat ay naging professional umano ang kandidata dahil nakapangako ito sa kanilang show. (Ray Mark Patriarca)

The post Willie inindiyan, napikon: Miss Manila bawal na sa ‘Wowowin’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *