Willie ginagamit ang TV show sa paghahanap ng ‘babae’

Hinahanap na ba ni Willie Revillame ang kanyang true love? Ready na ba siyang nag-settle down ulit kasama ang babaeng mamahalin forever?

willie ginagamit ang tv show sa paghahanap ng babae - Willie ginagamit ang TV show sa paghahanap ng ‘babae’
willie 6 - Willie ginagamit ang TV show sa paghahanap ng ‘babae’

Hinahanap na ba ni Willie Revillame ang kanyang true love? Ready na ba siyang nag-settle down ulit kasama ang babaeng mamahalin forever?

Sa naging episode ng “Wowowin”, nag-emote si Willie na malungkot daw ang mag-isa. Tuwing uuwi raw siyang pagod, nag-iisa lang daw siya parati.

“Alam n’yo sa January, magfi-59 na ako. Matanda na ako. Lagi lang ako nag-iisa ‘pag umuuwi. Mahirap naman lagi ka lang mag-isa sa buhay.

“So ngayon ho meron kaming bago ditong pakulo. Naghahanap na po ako ng makakasama ko sa buhay,” sey ni Willie na ikinakilig ng audience.

Mala-“The Bachelor” ang magiging search ni Willie para sa babaeng makakasama niya sa buhay. Bukas ang search for females ages 19 to 40, walang anak at hindi pa nag-aasawa.

Pagkakataon na ng masuwerteng babaeng ito para makasama ang “Wowowin” host.

Dagdag pa ni Willie: “Magkakaroon po kami ng segment, ako po makakasama niya, ‘Wil you date me?’”

“Mag-o-audition kayo at ‘pag pumasa kayo sa audition, susunduin kita sa iyong tahanan.”

Pinagdiinan pa ni Willie na para lang sa mga tunay na babae ang pa-search niyang ito. Ibig sabihin, ‘di pasok ang mga beki at ang mga transwomen.

Anyway, masuwerte ang babaeng mapipili ni Willie dahil tiyak na tatratuhin niya ito bilang isang reyna.

May estimate worth lang naman si Willie between 400-600 million pesos.

Matagal nang single si Willie simula noong maghiwalay at ma-annul ang kasal niya kay Liz Almoro noong 2008. Kinasal sila noong 2005 at meron silang isang anak named Juan Emmanuel or Juamee.

Kinasal din si Willie sa aktres na si Princess Punzalan noong 1990. Na-annul ang kasal nila noong 1997. Hindi sila nagkaroon ng anak. Kinasal noong 2005 si Princess kay James Field.

May anak naman si Willie sa kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano. Ito ay ang aktres na si Meryll Soriano. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *