Willie ‘basted’ kay Kris

Kapansin-pansin na blooming ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ang matinding problema na kinaharap nitong nakaraang nga araw. Hindi maitatanggi na masaya na ito ngayon anuman ang mangyari sa kabila ng kanyang karamdaman.

willie basted kay kris - Willie ‘basted’ kay Kris
kris 19 - Willie ‘basted’ kay Kris

Kapansin-pansin na blooming ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ang matinding problema na kinaharap nitong nakaraang nga araw. Hindi maitatanggi na masaya na ito ngayon anuman ang mangyari sa kabila ng kanyang karamdaman.

Ibinahagi pa ng aktres ang litrato na kasama ang big time host na si Willie Revillame kasama ang kanyang mga anak. Nakalagay sa caption ni Kris: “Thank you Tito Willie for making kuya Josh super happy. #family.”

Dahil dito, nabigyan ng mga netizen ng mas malalim na kahulugan ang naturang post, halos lahat ay sinasabing bagay sila maging mag-dyowa.

But wait, there’s more! Kinilig pa nga ang mga fan sa ibinahagi nitong short conversation with Willie.

“W: umiiyak ka ba?

“K: no, yung eyelash extensions, nun tinanggal, na irritate my eye kaya parang na scratch.

“W: ang hirap mo naman pakasalan

“K: di naman ikaw nagbayad ng lashes, noh?” kuwento ni Kris.

Pero guess what? Mas naintriga ang mga fan kung sino kaya ang tinutukoy ni Kris sa kanyang sagot sa comment ng isang fan. Sabi kasi ng fan, “Sana kayo nalang.”

Nag-reply naman si Kris sa fan na naging palaisipan para sa kanila na super curious sa love life ng aktres. “Sorry may iba po akong hinihintay.”

So sino kaya itong hinihintay ng aktres na posibleng dahilan sa kanyang pagiging blooming?

At isa pang tanong: Friendzoned na nga ba si Willie o may pag-asa pa? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *