Wig mas bumenta: Arnell nagpasalamat sa panlalait ni G

Dahil sa banggaan nila ni Arnell Ignacio at sa tweet ng former actress na si G Tongi na nadamay pati ang “di tumutubong buhok” ng host ng new radio program ng DZBB, ang “OMJ (Oh My Job)”, kinumusta ko ang takbo ng Creative Hair Systems o ang hair replacement company na pag-aari ng former GoBingo game show host.

The post Wig mas bumenta: Arnell nagpasalamat sa panlalait ni G first appeared on Abante.

wig mas bumenta arnell nagpasalamat sa panlalait ni g - Wig mas bumenta: Arnell nagpasalamat sa panlalait ni G
Arnell Ignacio - Wig mas bumenta: Arnell nagpasalamat sa panlalait ni G

Jun Lalin Anything Goes 42 4 300x200 - Wig mas bumenta: Arnell nagpasalamat sa panlalait ni GDahil sa banggaan nila ni Arnell Ignacio at sa tweet ng former actress na si G Tongi na nadamay pati ang “di tumutubong buhok” ng host ng new radio program ng DZBB, ang “OMJ (Oh My Job)”, kinumusta ko ang takbo ng Creative Hair Systems o ang hair replacement company na pag-aari ng former GoBingo game show host.

Naapektuhan ba ang “wig” business ni Arnell?

“Actually, ito naman kasing si G, pati buhok ko na hindi tumutubo, idinamay pa. Pero this week, magpo-post ako ng video thanking her.

“Mas dumami kasi ang inquiries sa business ko dahil napag-usapan na nga ‘yung tungkol sa buhok ko na hindi tumutubo.

“So, maglalabas talaga ako ng thank you video for G. Hahaha!” natatawang sabi na lang ni Arnell.

Sa new radio program nga na “OMJ (Oh My Job)” ay binanggit pa ng co-host niyang si Tuesday Niu noong Saturday na mukhang bago ang hair piece (wig) ni Arnell.

Actually, mukhang hindi naman talaga nagpapaapekto si Arnell kapag binibira siya at nadadamay ang tungkol sa hindi tumutubong buhok.

“Ang mas nag-react talaga, ‘yung anak ko na si Pia!” sabi pa ni Arnell.

***

Gay hater Aling Susan nagtatago na

Samantala, nang makausap ko si Arnell noong Sunday late night ay galing daw siya sa Antipolo, Rizal.

Pinuntahan daw niya ang tinaguriang “gay hater” na si Aling Susan, pati ang mga bading na nakabangga nito.

“Dinalhan ko ng regalo, pero hindi na raw lumalabas ng bahay. Hindi ko nakausap. ‘Yung mga bading, nakausap ko, mababait sila.

“Gusto ko sanang makausap si Aling Susan kaya ako nagpunta doon, pero hindi ko naman nakaharap,” sabi ni Arnell.

Balak sana ni Arnell na ayusin ang gusot sa pagitan ni controversial lady at ng mga bading na nakabangga nito, pero hindi nga niya nakaharap ang si Aling Susan.

In fairness to Arnell, nag-effort pa siya na magpunta ng Antipolo para maging tulay sa hidwaang ‘yon.

***

Myrtle ‘ginagastusan’ ng abugado

Tuloy na tuloy ang virtual concert ni Myrtle Sarrosa, ang “Myrtle: Still Love Me”.

Kung matatandaan, dapat ay noong May ang concert na ‘yon sa Teatrino Greenhills, pero affected nga ‘yon ng COVID-19 pandemic kaya hindi natuloy.

Pero ayaw namang magpapigil ng producer ng concert ni Myrtle, ang controversial celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio at sumige pa rin siya.

At dahil uso nga ang virtual concert ngayon at ‘yung Apollo nga ni Daniel Padilla ay sobrang successful at mabenta rin ang digital tickets para sa virtual anniversary concert naman ni Alden Richards sa December, ‘yung kay Myrtle, tuloy na rin.

Magaling kumanta ang sikat na cosplayer, kaya sabi ni Atty. Topacio, tuloy na tuloy sa November 28, 8:00PM ang virtual concert nito.

“Pero kahit virtual concert ‘yon, magastos pa rin. Grabe rin ang lights and special effects na kailangan para maging maganda talaga.

“May rehearsals din si Myrtle. Halos full production pa rin, bawas lang ng mga tao,” sabi ni Atty. Topacio.

Ay, naku, Dondon (my dear editor), sa panahon talaga ng pandemic na ito, halos lahat ay online na lang.

Kahit naman sa February, walang actual Valentine’s concert na magaganap pa at ‘yung mga kilalang concert producer ay walang pinaplanong ganoon sa ngayon, huh!

How sad, pero para rin naman sa safety ‘yon ng lahat.

So, online na lang muna talaga ang mga concert at wish nga ni Myrtle ay bumenta sa ticket2me.net ang digital tickets for her virtual concert!

The post Wig mas bumenta: Arnell nagpasalamat sa panlalait ni G first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *