Who’s that girl? — Kathryn Daniel spotted na may katabing mestisang babae

“Who’s that girl?” tanong ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla.

whos that girl kathryn daniel spotted na may katabing mestisang babae - Who’s that girl? — Kathryn Daniel spotted na may katabing mestisang babae
kathniel 7 - Who’s that girl? — Kathryn Daniel spotted na may katabing mestisang babae

Dondon Sermino Paistaran 12 336x224 - Who’s that girl? — Kathryn Daniel spotted na may katabing mestisang babae“Who’s that girl?” tanong ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla.

Spotted nga kasi si Daniel na nakasakay sa kanyang bonggang ‘oto’ at may babaeng kasama sa harap, o katabi ng driver (na si Daniel nga).

Siyempre, todo sa reaksyon ang mga fan ng dalawa. Kanya-kanyang sagot sila sa kung sino ba ang babae na ‘yon na pagkaputi-puti na kasama ni Daniel.

Eh, hindi naman ito si Karla Estrada na nanay niya, o mga kapatid kaya niya.

“Nagseselos ka ba?” tanong ng mga fan.

“Agh so cute,” sabi ni Moira dela Torre.

Anyway, ‘daughter’ nga raw ni Kathryn ang pasahero ni Daniel, at ito ay si Baby Tala.

Si Baby Tala nga ay isang pagkaganda-gandang pet dog.

“Your caption and everything about this picture makes me so happy,” sabi ng fan na si Joche.

“Seat kasi ng nanay mo ‘yan,” sabi naman ni Eyn, na ang kausap nga ay si Tala.

Well…

Mga kapamilya star nagbunyi:

Vice Ganda, Ion Perez ‘HHWR’ sa monthsary nila

Kulang-kulang 700,000 na mga like na ang natanggap ng Instagram post ni Vice Ganda, na kung saan ay maka-holding hands sila ni Ion Perez na tumatakbo.

Yes, HHWR nga silang dalawa. At twinning pa sila dahil pareho nga ang suot nila. Kasi nga, kuha ang photo na ‘yon sa basketball game na kung saan ay teammates sila.

“Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME!” sabi ni Vice Ganda.

Yes, wala na ngang tago-tago, at lantaran na talaga ang relasyon nina Vice at Ion. Na kung iisa-isahin mo naman ang reaksyon sa kanyang IG, tila tanggap na tanggap naman ng mga fan ang kanilang relasyon.

Pero, bakit nga ba nag-post ng ganu’n si Vice? Well, ang ‘anak-anakan’ niyang si Ryan Bang ang nagkumpirma, na kasi nga raw ay ‘monthsary’ ‘yon ng dalawa.

“Happy Monthsary (heart emoticon)!” sabi ni Ryan Bang.

Heto naman ang reaksyon ng mga kapwa artista nina Vice at Ion:

Sabi ni Anne Curtis, “Ayyyyyy shuuuuuuuush! (heart emoticon).”

Hirit naman ni Karylle: “1 millionth to like. Hello. A ano kayang magandang comment?”

Sey ni Angel Locsin: “Haneeeeeeeep!!!!!! Happy for you ati!”

At lahad ni Ruffa Gutierrez: “Grabeeeeeee naman.”

Sabi naman ni Jugz: “Happy lang, Ate!”

At siyempre, hindi rin nagpahuli sa komento si Vhong Navarro: “Ang haba naman ng buhok mo dyan brad?”

Reaksiyon naman ni Pokwang: “Yes naman nak @praybeytbenjamin deserve mo magmahal at mahalin dahil marami ka napapasaya…. oras naman para ikaw ang sumaya ng bongga!”

Hirit ni K Brosas: “Ay teka lang! Sarap mong saktan teehhh chos! Lablablab!”

Ang cute naman ng reaksyon ng batang si Kyle Echarri: “Yehey! So happy that you found true happiness Ate.”

At siyempre, hindi puwedeng hindi mag-react si Makati Counselor Jhong Hilario: “Ang alamat ng IG! Ion (heart emoticon) Ganda.”

Kaaliw, ‘di ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *