Wetpaks nina Katarina, Maggie kinabog ni Kiray

May paumbukan, pagandahan ng puwet sa social media ngayong Pasko?

The post Wetpaks nina Katarina, Maggie kinabog ni Kiray first appeared on Abante.

wetpaks nina katarina maggie kinabog ni kiray - Wetpaks nina Katarina, Maggie kinabog ni Kiray
kiray 2 - Wetpaks nina Katarina, Maggie kinabog ni Kiray

May paumbukan, pagandahan ng puwet sa social media ngayong Pasko?

Kanya-kanyang pasikat ng mga puwet sina Kiray Celis, Katarina Rodriguez at Maggie Wilson. Yes, hindi talaga nagpakabog si Kiray sa dalawang beauty queen, ha!

Ibinalandra ng mga nabanggit na celeb ang kanilang mga behind sa Instagram.

Si Kiray ay nag-post sa bath tub sa tinutuluyang hotel. Si Katarina ay sa Siargao. Si Maggie ay sa Maldives.

Halos hubad na ang kanilang puwet sa makitid at mataas na cut ng suot nilang bathing suit.

Pero kung patambukan at pakinisan lang naman ng puwet ang pag-uusapan, winalis ni Kiray ang dalawang beauty queen.

Bukod sa matambok na, makinis at kumikislap sa puti ang kasingit-singitan ng behind ng komedyante.

Dahil dito, nagkainteres ang mga follower ni Kiray kung anong sabon ang ginagamit nito sa kanyang puwet. (Rey Pumaloy)

The post Wetpaks nina Katarina, Maggie kinabog ni Kiray first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *