Wetpaks ni Pia pinanggigilan ng mga boylet

Pinanggigilan ang puwet ni Pia Wurtzbach ng mga netizen matapos siyang mag-post ng kanyang larawan sa Instagram wall niya na kuha sa Bali, Indonesia kung saan siya nag-celebrate ng kanyang birthday.

wetpaks ni pia pinanggigilan ng mga boylet - Wetpaks ni Pia pinanggigilan ng mga boylet
pia 11 - Wetpaks ni Pia pinanggigilan ng mga boylet

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 25 336x224 - Wetpaks ni Pia pinanggigilan ng mga boyletPinanggigilan ang puwet ni Pia Wurtzbach ng mga netizen matapos siyang mag-post ng kanyang larawan sa Instagram wall niya na kuha sa Bali, Indonesia kung saan siya nag-celebrate ng kanyang birthday.

Hindi naiwasan ng mga supporter ng beauty queen na hindi pansinin at mag-comment sa puwet ni Pia dahil nakalantad ang halos kalahati nito sa photo.

Masisilip sa kanyang IG wall ang photo nilang dalawa ng kanyang kapatid na si Sarah na ayon sa kanyang caption, lumipad ito patungong London patungong Bali para lang makasama siya sa kanyang kaarawan.

Sa photo, magkaharap sa isa’t isa sina Pia at ang kapatid. Suot nito ang isang one piece bathing suit samantalang naka-palda naman ng printed ang kaharap.

Pumabor sa likod ang shot kaya nalantad ang puwet nito sa madlang universe.

Paano naman kasi, naka-usli ang puwet ni Pia at busog na busog ang itsura nito na siyang dahilan para panggigilan ito ng mga netizen, hindi lang mga kababaihan, kundi ng mga lalaki at bakla.

Well, siyempre gustong-gusto naman ni Pia ang makaagaw ng atensyon dahil isa siya sa top-trending personalities.

Kathryn planado na ang bakasyon with Daniel

Hindi pa ganap na nakakapagpahinga si Kathryn Bernardo sa trip abroad nila ni Daniel Padilla, ibinalita nitong nagpaplano naman sila ng kasintahan para sa susunod nilang lagalag sa ibang bansa.

Ito ang ibinalita ni Kathryn sa hulihan ng message caption niya sa isang panoramic shot ng isang bundok sa Iceland.

Sa mensahe ni Kathryn, sinabi nitong deserve niya ang nasabing bakasyon lalo’t tuloy-tuloy ang trabaho niya noong mga nakaraang buwan.

Inisa-isa niya ang mga realization sa trip nito gaya ng pagnamnam sa mga nasa harap mo at i-enjoy ang mga ito. Kailangan mo rin namang bigyan ng reward ang sarili sa gitna ng pagsusumikap. Alagaan at respetuhin ang mga lugar na pinupuntahan para sa mga susunod pang henerasyon.

At ang huli ay ang magpasalamat sa Diyos sa biyaya at mga opportunities na natatanggap.

Siyempre, kasama sa realization na ito ang hindi humuhupang pagmamahal na nararamdaman niya at nakikita mula kay Daniel.

Ilan sa mga bansang pinuntahan ng KathNiel ay Iceland at Paris.

Denise luhaan sa pagkawala sa ‘Ang Probinsyano’

Luhaan si Denise Laurel sa pamamaalam niya sa seryeng “Ang Probinsyano” sa ABS-CBN.

Sa short video na pinost niya sa kanyang Instagram wall, hindi napigilan ni Denise ang pag-iyak dahil sa nararamdamang separation anxiety.

Sa umpisa pa lang ng appreciation video message ng Kapamilya actress, sinabi na nitong naiiyak na siya.

Sa pinakahuling mensahe sa unang video sa kanyang gallery na pinost niya, umaagos na nang tuluyan ang mga luha sa mata ni Denise.

Maiintindihan kung bakit naging emosyonal si Denise base na rin sa mga photo at behind the camera moments nilang casts, dahil masaya ang buong atmosphere sa set.

Kung ano-anong playtime at kabaliwan ang ginagawa ng casts lalo na ng PNP team ni Denise habang naghihintay ng take.

Hindi naging malinaw kung bakit tinanggal agad ang karakter ni Denise. Posibleng ilipat ito sa isang serye na ang aktres ang magbibida.

Sinisigurado naman ni Denise na kahit wala na siya sa programa, magkikita pa rin sila ng kanyang mga co-actor.

Bea mas gumanda nang mahiwalay kay Gerald

Nakatulong nang malaki kay Bea Alonzo ang tuluyang moving on sa paglalagalag niya sa Norway kasama ang bestfriend niyang si Enchong Dee.

Makikita sa post ni Bea ang malaking pagbabago sa kanyang aura, na siyang kinamamanghaan ngayon sa kanya ng mga follower at supporter.

Saad ni Bea sa isa sa mga caption ng kanyang photo (@beaalonzo), “When things change inside you, things change around you…Welcome back.”

Ang nasabing post ay isang indikasyon na nakabalik na sa kanyang best element si Bea.

Mas lalong gumanda at nagkaroon ng buhay ang personality ni Bea.

Mistulang isang fashion shoot para sa isang magazine feature ang mga larawan ni Bea sa pamamasyal niya sa Norway.

Kung handa na uling mag-entertain ng mga suitor ang aktres, siguradong puputaktihin ito ng mga lalaki na matagal nang nag-aabang na siya’y mabakante.

Kelsey nilayasan na ang modeling agency sa NY

Tuloy-tuloy lang ang modeling career ng Fil-Am beauty na si Kelsey Merritt. Katunayan, lumipat na ng panibagong modeling management team ang dalaga base sa post niya sa kanyang Instagram.

Ibinalita nitong nasa pangangalaga na siya ng The Society Management Agency sa New York.

Nag-post ng ilang profile photos niya si Kelsey na siyang ginagamit na set cards ng mga modelo sa pinupuntahang mga go-see.

Hindi na nilinaw si Kelsey kung bakit mula sa pinakahuli niyang modeling agency na Nomad ay lumipat siya ng The Society.

Anyway, inulan ng congratulatory messages si Kelsey ng mga kaibigan niya dito sa ‘Pinas at sinabing mas bobongga pa ang karera nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *