Wetpaks ni Maris ikinalat sa Batangas

Nagkalat ng puwet si Maris Racal sa isang resort sa Batangas.

The post Wetpaks ni Maris ikinalat sa Batangas first appeared on Abante.

wetpaks ni maris ikinalat sa batangas - Wetpaks ni Maris ikinalat sa Batangas
abante maris - Wetpaks ni Maris ikinalat sa Batangas

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Wetpaks ni Maris ikinalat sa BatangasNagkalat ng puwet si Maris Racal sa isang resort sa Batangas. Hindi sinabi ng aktres kung throwback photo `yon, o nagawa taalga niyang pumuslit palabas ng Maynila para maghubad at hayaang halikan ng kalikasan ang kanyang kaseksihan.

Nakaposte sa Instagram ng Kapamilya actress ang mga larawan na nagpapakita ng kabuuan ng maganda niyang pigura. Tuluyan na ngang namukadkad nang bonggang-bongga ang pagkababae ng aktres na makikita sa magandang hubog ng kanyang katawan.

‘Yung video na nakaposte na pataas ang shot ang nagpalantad ng puwet ng young actress. Mapapanood na nagsusulat iya ssa buhangin gamit ang kanyang paa.

Tumalikod si Maris sa kamera kaya bumalandra nang bonggang-bongga ang kanyang wetpaks.

Mataas ang cut ng bikini ni Maris kaya super-‘hello’ ang kanyang back-bumper.

In fairness kahit in black and white ang color separation ng video, makinis at walang tsismis ang puwet ng aktres.

‘Santol’ ni Jak Roberto pinagpiyestahan

Abs lang naman ang gustong ipakita ni Jak Roberto sa Instagram, pero iba ang napansin ng kanyang mga tagahanga. Gaya nang palaging ginagawa ng Kapuso actor, kahit nagsasayaw, nagluluto ito, nakahubad ito at ipinapangalandakan ang mga pandesal sa kanyang katawan.

Kalahati lang ng mukha ni Jak ang makikita sa photo dahil nakatingala ito, kaya naman napansin ng kanyang mga fan na kamukha raw ito ng South Korean actor na si Ji Chang Wook.

Mababasa sa comment na halos lahat ay nagsasabing parang si Ji Chang Wook si Jak.

Anyways, masyadong mababa ang pagkakapuwesto ng jogging pants ni Jak. Halos lumabas na ang bolivia (bulbol sa gay term) nito na tila inah

it ng aktor, at bumukol din sa tela ng kanyang short ang kanyang santol.

Ai-Ai sumobra ang kapayatan

Humabol sa nagpapayatang mga young star si Ai-Ai delas Alas na ngayon ay may timbang na lang na 110 pounds o 50 kilos.

Ipinagmalaki ni Ai-Ai ang larawan niya sa Instagram wall na nasa treadmill at nakasuot ng two piece sports outfit. Makikita na payat na ang braso ng komedyante, at manipis na ang katawan nito.

Ayon sa mga sagot ni Ai-Ai sa mga fan, diet at work out ang sikreto niya.

Naging inspirasyon si Ai-Ai ng mga follower niya sa pagpapayat.

May mga nagsasabi rin na sumobra ang payat ni Ai-Ai ngayon.

Karen dinaga sa TV Patrol

Sa mga susunod na airing ng TV Patrol maaring kampante na si Karen Davila sa pagharap niya sa kamera. Sa unang salang ng news anchor ay dinaga raw ng todo si Karen.

Ayon sa kanya ay 10 taon na siyang hindi sumasalang sa TV Patrol at 7 buwan namang hindi nya ginagawa ang mag-anchor ng Bandila.

Si Karen ang ilan sa mga natatanging news caster ng ABS-CBN na natira matapos ipasara ng gobyerno o hindi mabigyan ng prangkisa.

Saling-pusa ang tawag ni Karen sa paglabas niya sa TV Patrol, kasama sina Noli de Castro, Bernadette Sembrano-Aguinaldo, Gretchen Pullido at Kim Atienza.

The post Wetpaks ni Maris ikinalat sa Batangas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *