Wetpaks ni Lorin minana kay Annabelle

Alam mo, Dondon, dahil first apo niya si Lorin Gutierrez, inusisa ko rin si Annabelle Rama kung ano ang masasabi niya sa sobrang kaseksihan ng kanyang apo sa Instagram account nito (@loringabriella).

wetpaks ni lorin minana kay annabelle - Wetpaks ni Lorin minana kay Annabelle
lorin 3 - Wetpaks ni Lorin minana kay Annabelle

Jun Lalin Anything Goes 28 336x224 - Wetpaks ni Lorin minana kay AnnabelleAlam mo, Dondon, dahil first apo niya si Lorin Gutierrez, inusisa ko rin si Annabelle Rama kung ano ang masasabi niya sa sobrang kaseksihan ng kanyang apo sa Instagram account nito (@loringabriella).

Siyempre, importanteng marinig ang komento ni Bisaya sa pagtu-two-piece ng kanyang apo, huh!

So, ok lang ba ‘yon kay Bisaya?

“Ok naman. Sixteen na si Lorin, kaya ok lang na mag-two-piece siya at nasa beach naman sila,” sabi ni Bisaya.

Natuwa rin si Bisaya na favorable ang mga komento ng netizens sa kaseksihan ni Lorin.

Sabi pa ni Bisaya, “Nagmana kasi sa kaseksihan si Lorin. ‘Yung puwet niya, mana sa akin. Ganyan kaganda ang puwet ko noon!”

Hmph! Hindi kay Ruffa nagmana ng ganda ng puwet si Lorin?

“Kanino ba nagmana si Ruffa? Sa akin, ‘di ba?! So, sa akin sila nagmana. Ako ang original!” nakakatawang reaction ni Bisaya.

Anyway, ok rin daw kay Bisaya na ngayon pa lang ay makita na ang kaseksihan ni Lorin lalo na ang magandang puwet ng apo dahil, “At least, 16 pa lang si Lorin, alam na ng lahat na maganda talaga ang puwet ng apo ko. Walang magsasabi in the future na nagpagawa siya. Original talaga ang kaseksihan ng apo ko, katulad ko noong araw!”

In fairness to Bisaya, talagang sobrang sexy siya noong araw at marami ang nagsasabing mas sexy pa siya kay Ruffa, ‘noh?!

Ariel hinarang ng GMA boss

Mas gusto ng comedian na si Ariel Villasanta na sana ay totoo na lang ang tsikang kaya hindi naipalabas noon ang GMA Films movie nila ni Maverick Relova, ang “Ariel & Maverick Goes To Hollywood” na naging “Kings of Reality Shows” na at finally ay ipapalabas na rin, ay dahil wala silang working visa nang mag-shoot sa Amerika.

Sabi kasi ni Ariel, ang narinig naman niya ay may isang “powerful person” sa GMA-7 na humarang sa kanilang pelikula at pati na rin sa show na gagawin sana nila noon.

Pero ayaw nga niyang magsabi kung sino dahil hindi nga siya sure kung true nga ‘yon.

Pero natutuwa naman siya na nabili nga niya sa Kapuso network ang pelikula nila ni Maverick at dinagdagan na lang niya ‘yon para maging bago.

‘Yung two hours nga raw na kinunan nila sa Hollywood ay siniksik na lang niya sa isang oras at nagdagdag nga siya ng mga eksena.

Anyway, sinabi naman niya na mabait naman sa kanya ang karamihan sa mga taga-GMA at hindi siya nahirapang makipag-usap para mabili ang nasabing pelikula.

Ang nangyari nga lang, naisangla raw niya ang kanyang bahay at lupa at ‘yon ang idinagdag niya sa ipinuhunan sa “Kings of Reality Shows”.

Anyway, sana masabi ng mga taga-GMA Films kung bakit sila nagdesisyong huwag ipalabas ang pelikula nina Ariel at Maverick.

I’m sure, may maganda silang paliwanag tungkol doon.

Oo nga pala, nasabi ni Ariel na ia-allow raw siya ng Kapuso network na makapag-promote ng “Kings of Reality Shows”.

Ang bongga!

Backstage scene ng ‘Iconic’ mapapanood sa Abante online show

Type niyong mapanood ang highlights and sidelights ng “Iconic” concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid mula sa run thru (rehearsal), first night and second night, pati ang mga “eksena” sa backstage?

Abangan ‘yon mamaya sa “Anything Goes” sa Abante News Online page sa Facebook.

Bale may special coverage ang “Anything Goes” online show sa very successful concert of the year, huh!

Bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *