Wendell binasted ni Katrina

Kahit bangayan sila nang bangayan sa harap ng kamera, sa ‘Prima Donnas’, hindi maitatanggi na super close sina Katrina Halili at Aiko Melendez, pati na sa lalakeng pinag-aagawan nila, si Wendell Ramos.

The post Wendell binasted ni Katrina first appeared on Abante.

wendell binasted ni katrina - Wendell binasted ni Katrina
wendell and kathrina - Wendell binasted ni Katrina

Kahit bangayan sila nang bangayan sa harap ng kamera, sa ‘Prima Donnas’, hindi maitatanggi na super close sina Katrina Halili at Aiko Melendez, pati na sa lalakeng pinag-aagawan nila, si Wendell Ramos.

Patunay riyan ang nakakaaliw na vlogs na in-upload ng tatlo sa kani-kanilang mga YouTube channel, na kuha mula sa naganap na 21-day lock-in taping ng Prima Donnas.

Sa YouTube channel ni Wendell ay sumabak ang kapareha niyang si Katrina sa isang nakakatuwang ‘Lie Detector Challenge.’ Game na game namang sinagot ng aktres ang mga katanungan ng aktor habang suot ang isang toy machine na magsasabi kung ‘Lie’ o ‘Truth’ ang sagot.

Ilan sa mga pabirong tanong ni Wendell ay kung may chance ba silang dalawa na maging magdyowa, na natatawa namang sinagot ni Katrina na wala raw. Meaning, basted si Wendell kay Katrina, ha!

Damang-dama naman ng netizens ang good vibes na hatid ng Prima Donnas stars mula sa kanilang behind-the-scene vlogs at clips.

Sey pa ng isang netizen sa tatlo, “Grabe. Bata palang ako ganito na mga mukha nila, until now. Mga hindi tumatanda.”

Samantala, todo-abang na ang mga fan ng show sa nalalapit na pagpapalabas ng fresh episode ng serye. Kasalukuyan namang napapanood ang recap ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime. (Dondon Sermino)

The post Wendell binasted ni Katrina first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *