‘Wedding ring’ nina Ella, Julian binili sa Divisoria

‘Mabuhay ang bagong kasal!’ Ganyan nga ang pagbati namin kina Ella Cruz at Julian Trono nu’ng makita namin sila sa Viva office.

wedding ring nina ella julian binili sa divisoria - ‘Wedding ring’ nina Ella, Julian binili sa Divisoria
ella - ‘Wedding ring’ nina Ella, Julian binili sa Divisoria

Dondon Sermino Paistaran 7 336x224 - ‘Wedding ring’ nina Ella, Julian binili sa Divisoria‘Mabuhay ang bagong kasal!’ Ganyan nga ang pagbati namin kina Ella Cruz at Julian Trono nu’ng makita namin sila sa Viva office.

Si Ella kasi ay may pa-interview para sa pagwawagi niya bilang best supporting actress sa pelikulang “Edward” sa Cinemalaya 2019. Eh, bigla ring sumulpot si Julian Trono, kasama naman ang ibang mga batang artista ng Viva.

Agad nga naming napansin ang ‘wedding ring’ nila, na twinning talaga.

“Nabili namin sa Divisoria, buy one, take one. Wampipti lang! Pero natawaran ko, naging P100 na lang,” natatawang sabi ni Ella.

Pero, ano talaga ang pakiramdam nu’ng time na kinakasal sila?

“Ako kinabahan talaga,” sagot ulit ni Ella.

Eh si Julian?

“Same day, sa wedding, lumabas ang itsura ko na, parang surreal feeling, eh. Kahit sabihin na may ilaw, may camera, parang ang kulang na lang, pamilya namin talaga,” sagot ni Julian.

Marami nga raw ang nagtampo na hindi sila naimbita sa kasal na ‘yon.

“Ang hirap i-spoil sa kanila, and at the same time, parang na-lead namin sila sa ano, na hindi nga sila invited. Si Mark Herras, nagsabi na nagtampo siya, kasi nga hindi man lang siya sinabihan,” pahayag ni Julian.

“Hanggang ngayon hindi namin sila sinasabihan. Hindi kami nagri-reply sa lahat. Hindi kami nagti-thank you sa kanila,” sabi naman ni Ella.

“Nu’ng una parang social experiment talaga, pero at the same time, parang naisip din namin, baka mali ang ginagawa namin, kasi nga marami ang nag-iisip ng kung ano-ano,” sabi ni Julian ulit.

So, eksena nga lang ‘yon sa pelikula nilang “Not So Fake Love Story”. Pero, gaano na ba talaga sila katagal na magdyowa?

“Mga 2 months pa lang. Hindi ako nagbibilang, eh,” sabi ni Julian.

‘Yung totoo?

“Friends lang kami. Hahahahaha!” hirit ni Julian.

Pero, bigla siyang tinitigan ni Ella, at nag-iba ang sagot niya.

“Oo naman, kami naman talaga. Hahahaha!” giit pa ni Ella.

Sila na ba talaga ang makakatuluyan?

“Oo naman.”

Ano ang nagustuhan mo kay Ella?

“‘Pag magkatabi kami, ‘pag malapit siya sa akin, siya ang dahilan kung bakit ako nagiging matangkad. Hahahaha!” sagot ni Julian.

‘Yung mas totoo naman na sagot.

“Bata pa lang magkakilala na kami. Matagal na kaming friends. Siya ang puppy love ko,” sey ni Julian.

“Puppy love ko rin siya noon, eh,” sabi ulit ni Ella.

“Then, matagal kaming hindi nagkita. So, napunta sa iba ang atensiyon ko. Then, nakita ko siya ulit. Sabi ko, ‘ay, parang puwede ah. ‘Yun na!” sabi ni Ella.

Nagligawan ba sila ulit ngayon?

“Meron siyempre,” sabi ni Julian.

“Update na lang, kasi matagal na kaming magkakilala, eh,” hirit ni Ella.

“Pero siyempre, more than anything else, ang maganda kasi sa amin, magtropa talaga kami, magkakulitan kami,” saad ni Julian.

“Sabi ko nga sa kanila, si Julian ang tao na hindi ko kailangang magpa-impress talaga. Hindi ko kailangan magpaganda sa harap niya,” hirit naman ni Ella.

Pero, bakit parang palagi kang maganda sa harap ni Julian?

“Well, innate na kasi ‘yon. Hahahahaha! Joke lang ‘yon!” say na lang ni Ella.

Well…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *