Wanted kay Lolit: Bela binanatan si Bong

Nag-react ang Kapamilya actress na si Bela Padilla sa naging statement ni Senator Bong Revilla na inilabas ng GMA News sa Twitter na, “Senator “Bong” Revilla urged the Department of Health and Inter-Agency Task Force to distribute face masks and face shields for free amid the COVID-19 pandemic.

wanted kay lolit bela binanatan si bong - Wanted kay Lolit: Bela binanatan si Bong
Bela Padilla - Wanted kay Lolit: Bela binanatan si Bong

Rose Garcia Ansabeh 12 300x157 - Wanted kay Lolit: Bela binanatan si BongNag-react ang Kapamilya actress na si Bela Padilla sa naging statement ni Senator Bong Revilla na inilabas ng GMA News sa Twitter na, “Senator “Bong” Revilla urged the Department of Health and Inter-Agency Task Force to distribute face masks and face shields for free amid the COVID-19 pandemic.

Ni-repost ito ni Bela kasabay ang caption na, “124.5M can buy 1,245,000 face masks. At saka isinunod ang hashtag na just saying.

Sinundan pa nito ang tweet nang may sinagot na comment na 6.2 million face masks lang daw if retail sa halagang 1,000 for a box of 50 at mas mapapamura pa raw kung wholesale dahil may bulk discount.

Sabi ni Bela, “Linagay ko na sa 100 pesos each para maganda quality. Reusable eco friendly masks.”

Marami ang nag-comment at pinupuri si Bela sa lakas daw ng loob nito na pumuna ng mga pulitiko kahit na katulad ni Senator Bong na kasamahan din niya sa industrya.

Pero may mga tumuligsa rin dito at sinabihan si Bela na, “move-on,” “past is past.” At may nag-warning din dito na hintayin na ang magiging resbak daw sa kanya ng manager ni Senator Bong na si Nay Lolit Solis.

Anne, Erwan nabaliw sa kulit ni Dahlia

Limang buwan na ang anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie. At simula nang ipanganak ito, nananatiling nasa Melbourne, Australia ang pamilya.

Hindi pa nga nakakauwi ng Pilipinas si Dahlia Amelie at sa picture at video pa lang ito nakikita ng pamilya at mga kaibigan nina Anne at Erwan.

Siguradong walang-wala sa plano nina Erwan at Anne na up to this day at walang makapagsasabi na baka abutin pa ng ilang buwan o 1st birthday ni Dahlia Amelie na nasa Australia pa rin, than i-take nila ang risk na umuwi na ng bansa.

For five months din, si Erwan ang nagsisilbing photographer ng pag-capture ng milestone ng anak at stylist naman si Anne. May signature style sila na instead na cake na usual na ginagawa kada-buwan ng baby, mga fresh flowers in number ang gamit nila, which is, possible dahil maraming magagandang bulaklak sa Australia.

Nagsisimula na rin maging malikot at sabi nga ni Anne, makulit ang baby nila at five months. At obvious kung gaano ito kinababaliwan ni Anne.

Sey niya, “Too cool for school. Naka de kwatro pa. Happy 5thmonth to our little darling, Dahlia Amelie.

“It’s so hard to take a picture of her na. Ang likot likot. Soon after this picture was taken, she kicked off her shoes and socks and then kicked the flower arrangement I took an hour putting together. Kulit kulit little girl.

“I’m so thankful to have her and all her kulitness to brighten my days when they get gloomy. Love her to bits and pieces.”

Maging si Erwann, tila “nagku-complain na mas madali raw kuhanan ng picture ang anak ng mga nakaraang apat na buwan.

“It was really easy to take pictures of her for the first 4 months. Now, Dahlia has her own ideas on how these photoshoots should go.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *