Walang prangkisa: ABS-CBN pinuri, tuloy sa pagtulong, pagbalita

Sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa Pilipinas nitong Nov. 1, nag-trending ang “ABS-CBN” sa Twitter dahil sa dalawang dahilan.

The post Walang prangkisa: ABS-CBN pinuri, tuloy sa pagtulong, pagbalita first appeared on Abante.

walang prangkisa abs cbn pinuri tuloy sa pagtulong pagbalita - Walang prangkisa: ABS-CBN pinuri, tuloy sa pagtulong, pagbalita
abs cbn 4 - Walang prangkisa: ABS-CBN pinuri, tuloy sa pagtulong, pagbalita

Sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly sa Pilipinas nitong Nov. 1, nag-trending ang “ABS-CBN” sa Twitter dahil sa dalawang dahilan.

Una, ilang netizen ang nanghihinayang sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, na anila ay pinagkukuhanan ng balita ng maraming Pilipino sa mga malalayo at liblib na lugar lalo na kapag may sakuna.

Ikalawa, pinuri ang dedikasyon ng ABS-CBN News na makapagbalita, maski nabawasan na ang reach nito at sa kabila ng mga limitasyon dulot ng pandemya.

Isa sa mga nagpahayag ng kahalagahan ng ABS-CBN sa mga Pilipino tuwing bagyo ang dating opisyal ng COMELEC na si Goyo Larrazabal. Aniya, kung may prangkisa lang ang network, nakatulong sana ito sa pagbibigay impormasyon sa paparating na bagyo at paano maghanda para rito. Agree naman ang libo-libong netizen matapos tumanggap ang post niya ng mahigit 6k na likes at mahigit 1.5K na retweets.

Sabi naman ng propesor ng UP at convenor ng Kontra Daya na si Danilo Arao, tanging ABS-CBN lang ang istasyon na nakakaabot sa ilang bahagi ng bansa. Nakalimutan na raw ng mga nagsasabing marami pang ibang istasyon ang tulong na nagagawa ng ABS-CBN Regional. Ito kasi ang pinagkukuhanan ng lokal na balita sa maraming probinsya. Pero dahil wala nang prangkisa ang ABS-CBN, itinigil na ang operasyon ng iba-ibang regional stations matapos ang Agosto 31. Bago ipasara, limang AM radio station, 18 FM station, 42 TV station, at 10 digital TV station ang pinaandar ng ABS-CBN.

Kumalat rin sa social media ang post ng isang netizen na si Jorrel Vincent Valdez. Aniya, tuwing panahon ng kalamidad, isinasantabi ABS-CBN ang regular nitong mga programa para tumutok sa pagbabalita, at kung minsan ay may fundraiser pa para mangalap ng donasyon para sa mga naapektuhan.

Sabi sa Twitter nina @itsdaryllsworld at @Rudolphian16, talagang isinasabuhay ng ABS-CBN ang slogan nitong “In the Service of the Filipino.” Nagpasalamat naman si @PLongkiao sa “good update” na hatid ng ABS-CBN News, habang na-appreciate naman ni @yeppudakanie na nakapag-organize pa ito ng special coverage.

Pero maski nalagasan ito ng tao at nawalan ng malawak na reach, hindi nagbago ang dedikasyon ng ABS-CBN News na maglingkod sa Pilipino sa pamamagitan ng pagbabalita. Bukod pa riyan, sila rin ang katuwang ng Sagip Kapamilya sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong pamilya. Wish tuloy ng ibang netizens, sana ABS-CBN na lang ang may prangkisa.

The post Walang prangkisa: ABS-CBN pinuri, tuloy sa pagtulong, pagbalita first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *