‘Walang care ang government’ Angelica naimbiyerna sa trapik

Naglilyab at sobrang active sa Twitter recently ng ‘hugot queen’ na si Angelica Panganiban.

walang care ang government angelica naimbiyerna sa trapik - ‘Walang care ang government’ Angelica naimbiyerna sa trapik
angelica 7 - ‘Walang care ang government’ Angelica naimbiyerna sa trapik

Naglilyab at sobrang active sa Twitter recently ng ‘hugot queen’ na si Angelica Panganiban.

Nitong Huwebes nga ay maraming naka-relate sa naging sentimyento ni Angelica sa Twitter. Tila napuno na ang aktres sa sitwasyong dinanas nito kaya nailabas ang kanyang sey tungkol sa sistema ng trapiko sa bansa.

Kilala ang aktres sa kanyang mga hugot sa love life, pero ngayon ay iba yata ang hugot na sumapi sa sobrang gigil ng aktres.

“Question… tatanggapin na lang ba natin ang sistema ng traffic ng bansa natin?” bitaw ng aktres sa Twitter.

Marami agad ang nag-react at naka-relate dahil marami nga naman ang napeperwisyo sa traffic na nararanasan ng bawat tao sa bansa.

Sinundan pa ulit ng tweet ng aktres na, “So yung buhay natin, kalahating naubos sa kotse, kalahating stressed?”

“Tapos, walang care yung government? Naglalakad lang ba sila papuntang work? Or nakakalipad sila nang hindi natin alam?” dagdag pa ulit ng aktres.

Mukhang gigil na nga ang aktres sa dinaranas nitong trapik which is marami rin talaga ang sumang-ayon pero ang agaw-pansin ay isang fan na nagtanong kung ano kaya ang suhestiyon ng aktres para maibsan ito.

Well, wala pang reply ang aktres dito pero ang mga fan nito ang sumasagot para sa kanya na napunta sa talakan.

May nagtatanong din, DDS o pro-Duterte ba si Angelica noong kampanya? Isa ba siya sa mga na-disappoint? Since binanggit nga niya ang gobyerno? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *