Walang brief’: Paulo nang-akit ng mga fan

Sa pagbabalik sa social media ni Paulo Avelino, wala siyang pakialam na nakipaglandian sa mga netizen. Ikinatuwa ng mga netizen ang pagsagot ni Paulo sa kanilang mga comment.

The post Walang brief’: Paulo nang-akit ng mga fan first appeared on Abante.

walang brief paulo nang akit ng mga fan - Walang brief’: Paulo nang-akit ng mga fan
abante paulo - Walang brief’: Paulo nang-akit ng mga fan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Walang brief’: Paulo nang-akit ng mga fanSa pagbabalik sa social media ni Paulo Avelino, wala siyang pakialam na nakipaglandian sa mga netizen. Ikinatuwa ng mga netizen ang pagsagot ni Paulo sa kanilang mga comment.

Tweet ni @shelaang: “Nasa tapat na ko ng pinto, batiin mo na ko. Birthday ko ngayon eh hahahahaha *katok sabay takbo*.”

“Hahahahabulin kita hahaha! Hahaha happy birthday hahaha!” sagot ni Paulo.

@ianmerced21: “Ano raw kulay ng undies mo today hahahaha?”

“Wala. Di ako kumportableng may suot pag tulog,” sey ni Paulo.

@kathastropi: “nakakatamad po mag online class parang gusto ko na lang magbasa ng mga tweets mo. Paano po yon?”

“Hoy iha, napakaraming mga batang walang gadget para mag online class. Pagbutihin mo pagaaral mo para makatulong ka sa iba,” payo ni Paulo.

Naka lock-in taping ngayon si Paulo at naibahagi niya ang pagkasabik na may katabi sa kama.

“Ang aga kong nagising computer agad nasa isip ko. Sana maka-memorize ako ng linya mamaya. Pero pinakanami-miss ko talaga yung may katabi ka paggising.”

Siyempre, marami ang nag-volunteer na tabihan si Paulo.

Sharon kumambyo sa pagreretiro

Nangakong hindi basta-bastsa maglalaho na lang na parang bula, ‘yan ang mensahe ni Sharon Cuneta sa kanyang mga fan. Sunod-sunod nga ang pagsasabi ni Sharon na magreretiro na siya. At marami sa kanyang mga fan ang nangamba.

“Kids, please don’t be sad! I still have a few promises & contracts to fulfill. Just seeing as we don’t know yet when this pandemic is leaving or when a vaccine is gonna be discovered, i am preparing for my retirement. I am semi retired as it is! I planned to retire after i got married to Kiko at 30, but i’ve always taken my cues from God. I wed in the middle of shooting “Madrasta”, then so many other things followed, so i knew it wasn’t time yet. Don’t worry about me – my parents always prepared me for this! I’ve getting ready for another 2 decades. I’m not just gonna instantly disappear! I owe you that much. But please ready yourselves, okay? I love you. God bless you all!” sabi niya.

Sa laki ng pera ni Sharon, hindi na talaga niya kailangan kumayod nang husto. Pero, aminado siyang apektado talaga siya ng pandemya, dahil nawala ang mga proyekto na dapat niyang gawin.

Tirso balik sa pagpapahirap kay Coco

Tila nakainom ng tubig sa fountain of youth ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn, ha! Ibinalita ni Lyn sa Instagram ang pagbabalik ni Tirso sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sey pa ni Lyn, mami-miss daw niya ang asawa sa zumba date nila araw-araw. Lock in taping nga kasi na umaabot ng dalawang linggo ang new normal ngayon.

Kalakip ng mensahe ni Lyn ang video ng zumba exercise nila ni Tirso, na sikreto raw nila kung bakit malakas pa at hindi mukhang matanda ang mag-asawa.

Lea ayaw pakabog sa mga beki

Excited na si Lea Salonga sa pakulo ng mga drag queen sa Amerika para sa kanilang live streaming show na pinamagatang “Divas For Democracy.”

Napa-“Ohmygosh i’m so excited” si Lea sa comment ng trailer ng show.

Kasama si Lea sa show, na makikita sa trailer kabilang ang iba pang mga Broadway star.

Magsasanib puwersa nga ang mga diva ng Broadway at mga drag queen sa concert na ito.

@DragOutThevote: “Check out our exclusive first look at #DivasForDemocracy! For one night only, the divas of Broadway join forces with the divas of drag to sing and lip synch for your lives! Join us for musical theater and vote realness Sunday, Oct. 18 at 8 PM EST. DivasForDemocracy.com.”

Naku, sure ako na di pakakabog si Lea sa mga beki!

The post Walang brief’: Paulo nang-akit ng mga fan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *