Wala akong galis — Aiko

Nagkausap na sina Aiko Melendez at Vina Morales kaugnay sa role na hindi na muna ginawa ng una para sa lalabas na bagong serye ng Kapamilya network, ang “Sandugo”.

The post Wala akong galis — Aiko appeared first on Abante News Online.

wala akong galis aiko - Wala akong galis — Aiko
aiko 2 1 - Wala akong galis — Aiko

Nagkausap na sina Aiko Melendez at Vina Morales kaugnay sa role na hindi na muna ginawa ng una para sa lalabas na bagong serye ng Kapamilya network, ang “Sandugo”.

Sa pagharap ni Aiko sa media kasama ang kasintahang na tatakbo bilang Zambales Vice-Governor na si Jay Khonghun, sinabi niyang tailor-made sa kanya ang role na dapat niyang gawin, pero hindi na nga ito napunta sa kanya, kundi kay Vina.

Lumalabas na may konting kaba si Vina sa ipinasa sa kanyang character. Pero, binigyan ng assurance ni Aiko si Vina na kaya nito ang nasabing role.

Magpapahinga muna si Aiko sa showbiz dahil gusto niyang tumulong kay Jay Khonghun.

Sa gitna ng mga ipinupukol na issue kay Mayor Jay, gumagaan ang loob ni Aiko dahil mas lalo raw uminit ang pagtanggap ng mga tao sa boyfriend niya, at sa kanya, sa pag-ikot nila sa mga barangay.

Ramdam daw nina Aiko ang pagkakaroon nila ng kakampi sa mga taong nakakausap nila. Nakangiting sabi nga ni Aiko, hindi siya nagsasayang ng kanyang “taya” kay Jay dahil nakikita nyang mahal ito ng mga kababayan nito sa Zambales.

Bilang isang maginoo, hindi nagsalita ng kahit na ano tungkol sa babaeng kalaban nito sa politika, kaya si Aiko na lang ang nanawagan sa kalaban na mag-focus na lang ito sa kanyang mga programa at huwag sa paninira.

Isa nga sa ibinabato rin kay Aiko ngayon ay yung may skin disease raw ito, para hindi siya lapitan ng mga taga-Zambales. Pero sabi nga ni Aiko, sa halip na pandirihan siya ng mga tao, mas nilalapitan, niyayakap pa siya ng mga ito.

Ang mga pekas ang tinutukoy raw na skin disease o galis niya, kaya natatawa na lang ang maganda, at mahusay na aktres.

Sa March 29 ang opisyal na simula ng kampanya kaya mas lalong kakapit si Aiko sa kasintahan.

Sa thanksgiving party ni Aiko na ginanap sa Chateau 1771, dumating ang ina nitong si Mommy Elsie, ang dalawa niyang anak na sina Marthena at Andre Yllana para suportahan ang kanilang ina at si Mayor Jay.

The post Wala akong galis — Aiko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *