‘Wag mong gamitin si Rico Yan!

Binira, tinalakan si Claudine Barretto ng mga netizen dahil sa video na pinost niya sa kanyang Instagram na nagpapakitang umiiyak siya sa harap ng puntod ng kasintahang namayapa na si Rico Yan.

wag mong gamitin si rico yan - ‘Wag mong gamitin si Rico Yan!
claudine 4 - ‘Wag mong gamitin si Rico Yan!

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 34 336x224 - ‘Wag mong gamitin si Rico Yan!Binira, tinalakan si Claudine Barretto ng mga netizen dahil sa video na pinost niya sa kanyang Instagram na nagpapakitang umiiyak siya sa harap ng puntod ng kasintahang namayapa na si Rico Yan.

Parang serye o eksena sa pelikula, kung saan lumuluha si Claudine habang kinakausap nito ang puntod ng yumaong aktor.

Naglalahad si Claudine ng kanyang kalungkutan sa nangyari sa ama sa harap ng puntod at inihahabilin nito sa matagal na ngang namayapang kasintahan ang yumao niyang ama na si Miguel Barretto.

May background music na “Kahit Isang Saglit” ni Martin Nievera ang pagdadrama ni Claudine, kaya may mga ilang hindi naramdaman ang sinseridad ng pagdadalamhati ng aktres.

@myraangelie, “I don’t understand why do you need a video while you are praying.”

@louisemichael_1129, “Sana u pray in silence na lang. Nawala ang sincerity kasi naka-video. Tama na ang drama. Idol pa naman sana kita.”

@reginageorgea, “kakahiya ang baliw na babaeng to. Pati si Rico Yan dinadamay sa drama. Kung totoong mahal mo yung tatay mo eh ‘di sana dinalaw mo siya nung nabubuhay pa hindi nasa hospital na…Best actress ka talaga Claudine.”

@alle_francisco, “Kay God ka humingi ng tulong wag kay Rico na nanahimik na.”

Marami rin naman ang nagtanggol at umunawa sa post na ‘yon ni Claudine. Marami ang nag-comment ng kanilang prayer para sa pinagdadaanan nitong kalungkutan ngayon.

Direk Erik minura ang photog

Niratrat nang husto ni Erik Matti ang isang photographer na nagngangalang Patrick James Brotonel sa kanyang Instagram. Walang pakundangang binanggit ng award-winning director ang nasabing advertising at film photographer at pinaratangan niyang nambibiktima ng mga nakainom o lasing na mga babae.

“Patrick James Brotonel is a still photographer/bts guy for advertising and film who victimized drunk girls who are weak and too intoxicated to defend themselves.”

Maiintindihan ang pinanggagalingan ng galit ni Direk Matti sa isa pa niyang post, na nagpapasinungaling sa akusasyon umano ng advertising director na may minolestiya ang isa sa kanyang staff o employees.

“No one violates or sexually harasses any of our staff and employees in Reality Patrick James Brotonel. Tan@#na mo!” galit na galit na post ni Direk.

Ang Reality ay ang pangalan ng film production ni Direk Matti at ng business manager niyang si Dondon Monteverde.

Sinubukan naming i-search ang pangalan ng photographer sa social media para alamin kung may post siya na ikinagalit ni Direk Matti, pero walang lumalabas na account nito.

Vic, Avelyn gustong lektyuran ang mga artista sa paghawak ng datung

Handa ang mag-asawang Vic at Avelyn Garcia na tulungan ang sinumang mga celebrity, artista na nagnanais na maayos ang kanilang finances at maiwasan ang pagkaka-bankrupt ng mga ito.

Ilang taon na ngang nagbibigay ng talk ang mag-asawa tungkol sa kung paano maiiwasang hindi mabaon sa utang at yumaman, sa mga corporate seminar, lalo na sa kanilang programa sa DZMM na pinamagatang “Tulong Mo Pasa Mo”, na mapapanood tuwing Linggo, 11am sa Teleradyo at mapapakinggan naman sa DZMM radio channel.

Gusto nga raw mag-conduct ng seminar nina Vic at Avelyn sa mga young star ng Kapamilya network para masiguradong hindi mapupunta sa wala ang pinaghirapan ng mga ito.

Ang tagumpay nina Vic at Avelyn ay base sa pinagdaanang hirap nang mawalan sila halos ng ikabubuhay.

Nang malaman at mai-apply nila sa kanilang buhay ang paraan kung paano yumaman, ibinahagi naman nila ang sikreto sa kanilang mga tagasubaybay.

Kung gugustuhin daw ng bawat tao ang hindi masadlak sa hirap, kailangang sundan ang kanilang mga advice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *