VP Leni nagbigay pag-asa – Enchong

Pinaulanan ng papuri ni Enchong Dee si Vice President Leni Robredo.

vp leni nagbigay pag asa enchong - VP Leni nagbigay pag-asa – Enchong
abante leni 3 - VP Leni nagbigay pag-asa – Enchong

Pinaulanan ng papuri ni Enchong Dee si Vice President Leni Robredo.

Nagkomento nga si VP Leni sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa COVID-19 response ng kasalukuyang administrasyon, at bumilib nang husto si Enchong sa naging mensahe ni VP Leni.

“Malinaw, mapagkumbaba, at detalyado. Maraming Salamat sa pag-asang binibigay mo @lenirobredo,” tweet ni Enchong, ilang saglit matapos ilabas ni Robredo ang pahayag.

“Sana tanggapin ng administration ang klarong mensaheng ito. We need to act now!” giit pa niya.

Si Enchong ay kilalang kritiko ng gobyerno. (SDC)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *