Viva sarado muna dahil sa coronavirus

May isang friend na nagtanong sa akin – may kinalaman daw kaya sa pagpa-positive sa COVID-19 ng ilang taga-Viva ang hindi pagkakatuloy ng grand launch ng Vice Ganda Network noong Friday?

viva sarado muna dahil sa coronavirus - Viva sarado muna dahil sa coronavirus
vice 4 1 - Viva sarado muna dahil sa coronavirus

115848685 332254177929141 7209537983648647669 n 300x200 - Viva sarado muna dahil sa coronavirusMay isang friend na nagtanong sa akin – may kinalaman daw kaya sa pagpa-positive sa COVID-19 ng ilang taga-Viva ang hindi pagkakatuloy ng grand launch ng Vice Ganda Network noong Friday?

Actually, sa mga tweet ni Vice Ganda, ang sinasabing dahilan ay technical problem at hindi raw kasi kinaya ng website ang “powers” ng napakaraming subscribers.

But just the same, nagtanong ako sa isang Viva-insider kung may mga nag-positive ba sa office nila? Umamin naman ang tinanong ko.

“Yes, mga taga-production!” sabi ng kausap ko, pero mukhang wala naman daw kinalaman ‘yon sa hindi pagkakatuloy ng grand launch ng Vice Ganda Network at technical problem talaga ang itinuturong dahilan.

Anyway, dahil nga raw sa pagpa-positive sa nasabing virus ng ilang taga-Viva, wala muna silang pasok sa ngayon.

“Pina-quarantine kaming lahat. Hindi muna kami pinapapasok. Wala munang pasok. Work at home muna kami.

“Dami rin kasing meetings, kaya better to be safe, walang pasok muna.

“Babalik lang kami sa office sa first week of August na raw,” sabi ng kausap ko.

Well, at least, mukhang hindi naman secret ang tungkol sa pagpa-positive ng ilang mga taga-Viva kaya hindi nagsabi ang kausap ko na hindi puwedeng isulat ‘yon.

Dagdag pa ng kausap ko, “May (health and safety) protocol naman na sinusunod sa (Viva) office, pero may nag-positive nga, kaya wala muna talagang pasok.”

‘Yun din kaya ang talagang dahilan kung bakit hindi rin natuloy ang pagre-resume ng shooting ng “Pakboys” nina Janno Gibbs, Andrew E., Dennis Padilla at Jerald Napoles?

KC walang bitbit na boylet sa Batangas

Kasama ng businesswoman/philanthropist na si Pinky Tobiano sa The Farm at San Benito (Batangas) si KC Concepcion.

Nakita ko ang video na pinost ni Pinky sa kanyang Instagram story kung saan kasama ni KC ang dalawang alagang aso. May iba pa bang kasama si KC?

“Just her dogs,” sabi ni Pinky.

Bale one week daw sila sa lugar na ‘yon. Friday to Friday dahil ang The Farm ay one of the top health and wellness resort destinations in the world, obvious na ang health and wellness nila ang ipinunta nila sa lugar na ‘yon.

Nakita ko rin na nagkantahan sila at isa sa mga kinanta nila ay ang popular song ng nanay ni KC, ng Megastar na si Sharon Cuneta, ang “Mr. DJ”.

Nakakaaliw nga ang pagdu-duet nina KC at Pinky at may nag-comment sa ibang mga kasama nila kung alam niya ang words (lyrics) at nag-dialogue si KC ng, “Of course I know the words,” at sinabing song ‘yon ni Mama niya, pero maya-maya lang ay nagsabi siyang, “Ay mali (ang lyrics),” at natawa ang anak ng Megastar.

Mukhang masaya naman si KC na kasama ang ilang friends sa The Farm.

Anyway, nag-guest nga pala si Pinky sa ‘Kitchen Collabs’ ni KC.

Herbed chicken with arugula salad ang ginawa nila sa episode na ‘yon ng online show ni KC plus kale shake na nakatulong kay Pinky na pumayat.

Mukhang KC’s eating healthy food and drinking kale shake to help her lose those extra pounds na madalas pinapansin sa kanya ng ilang bashers, huh!

So, huwag magtaka kung in no time ay biglang sexy na uli si KC, ‘noh?!

Halika, Dondon (my dear editor), gayahin din natin si KC para pumayat tayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *